Photo courtesy of MIO BROOKE'S POINT

Nagkaloob ng tulong pinansiyal na nagkakahalaga ng P500,000 ang Puerto Princesa City government sa bayan ng Brooke’s Point para sa mga nasalanta ng malawakang pagbaha sa nasabing bayan noong nakalipas na buwan.

Tinanggap nina Mayor Cesareo Benedito Jr. at municipal treasurer Emma Tabangay ang tulong na personal na iniaabot ni Puerto Princesa Patrol 117 head Dax Matillano.

Nagpaabot naman ng pasasalamat si Benedito sa patuloy na pagdating ng tulong sa pamahalaang lokal mula sa iba’t ibang ahensiya pribado man o publiko.

“Lubos ang ating pasalamat dahil sa mga dumadatong na tulong sa ibat-ibang ahensiya. Malaki ang maiaambag nito upang makabangon ang mamayan ng Brooke’s Point,” ayon kay Benedito.

About Post Author

Previous articleThis February, skywatchers can witness two astronomical events
Next articleOnline entrepreneur cries foul over alleged parcel mishandling
is the correspondent of Palawan News in Brooke's Point, Palawan. She covers politics, health, government policies, tourism, and sports. Her interests are exploring different places, singing, gardening, reading bible and eating.