Umabot sa kabuuang 300 pamilya sa Purok Magkakapatid, Sitio Macandring sa Barangay Langogan ang naging benepisyaryo ng isinagawang feeding project ng mga tauhan ng Puerto Princesa City Fire Station Special Rescue Force, katuwang ang City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) nitong nakalipas na araw ng Linggo, Disyembre 26.

Ang mga kawani ng city fire station ay muling nagtungo sa nasabing lugar makalipas ang ilang araw matapos ang isinagawang search and rescue operation, upang magsagawa ng feeding activity para sa mga nasalanta ng bagyong Odette.

“Pangalawang balik na namin dito. Kaya kahapon nagdala ang BFP ng pagkain with the assistance ng CDRRMO. Kasi kung makikita mo sila, nakakaawa ang sitwasyon nila after ng bagyo, lalo silang naghirap,” pahayag ni SFO1 Mark Llacuna.

Ang mga kawani ng city fire station ay muling nagtungo sa nasabing lugar makalipas ang ilang araw matapos ang isinagawang search and rescue operation, upang magsagawa ng feeding activity para sa mga nasalanta ng bagyong Odette.

Ang Brgy. Langogan ay isa sa mga lugar na lubhang naapektuhan ng bagyong Odette na nanalasa sa bahaging norte ng lalawigan ng Palawan at ng lungsod ng Puerto Princesa noong Disyembre 17.

- Advertisement -

Previous articleThe Witcher S1 Ending Recap: Where we left off with Geralt, Yennefer, Ciri, and our favorite bard, Jaskier
Next articleDENR mounts relief operations to assist Odette survivors
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.