Hindi magbabayad ng student government (SG) fee na P260 ang mga estudyante ng Palawan State University (PSU) sa bayan ng Narra para sa unang semestre ng 2020-2021 dahil sa posibleng modular at online learning habang nasa gitna pa ng pandemya ng COVID-19 ang bansa.

Ito ang inanunsyo ng University Student Government (USG) ng PSU Narra matapos na bumuo ng resolution ang kanilang council noong July 17, 2020 na pinagtibay nitong July 27, 2020 ni PSU Narra director Dante Ariñez.

“Bumuo kami nito dahil kahit papaano ay ma-minimize ang gastos ng mga old student at mga incoming freshmen natin dito sa Narra PSU kaya hindi na kami maniningil ng SG fee na halagang P260,” sabi ni USG Narra vice president Martin James Sespeñe sa Palawan News, Biyernes.

Ayon kay Sespeñe, naglalayon itong mabawasan ang bayarin ng mga mag-e-enroll sa PSU Narra para sa first-semester ngayong taon, lalo pa at nasa gitna pa ng krisis.

“Sa second semester ay wala pang plan ang council kung ganoon pa rin, pagaaralan din ito, ang importante itong first semester muna,” dagdag niya.

Ayon Ariñez, sila ay may kasalukuyang humigit kumulang 1,000 na old students na higher years ang nakaenroll para sa 2020-2021 at tinatayang 500 na incoming freshmen.

Samantala hanggang ngayon habang nasa gitna pa rin ng modified general community quarantine (MGCQ)ang probinsya, ginagamit pa rin ang kanilang compound bilang quarantine facility.

“Mayroon tayong more or less 1500 students at maganda itong ginawa ng council na kahit papaano mabawasan ang mga bayarin ng mga estudyante natin”,sabi ni Ariñez.

About Post Author

Previous articleRTNMC conducts consultations on water system upgrade
Next articleRoxas inaugurates new Caramay hanging bridge
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.