File photo mula sa PVO

Nakipagpulong sa mga meat trader, supplier, at vendor kamakailan ang Palawan Provincial Veterinary Office (PVO) sa bayan ng Taytay upang magsagawa ng inspeksyon ng mga karne at talakayin ang kautusan hinggil sa pag-iimbak at pagbebenta nito.

Pinangunahan ni Dr. June Clyde Descall, veterinary officer 1 ng PVO, ang pagpupulong at inspekyon noong Pebrero 2, ayon sa pahayag ng Palawan Provincial Information Office (PIO) noong Miyerkules.

Ayon sa pahayag, layunin ng ginawang pagpupulong ang siguruhin na maayos ang paghawak, pag-iimbak, at pagbebenta ng mga bagong katay at mga frozen na karne ng hayop base sa kautusan ng Department of Agriculture (DA) at National Meat Inspection Services (NMIS).

Sa pamamagitan nito ay masisiguro na malinis ang karne at maiiwasan ang anumang sakit na puwedeng idulot sa mga mamimili ng karne.

Previous articlePalawan still among foreign tourist favorites
Next articlePublic urged to cultivate culture vs. kids’ online sexual exploitation