Naglabas ng final notice of delinquincy ang Provincial Treasurer’s Office (PTO) para sa mga delingkwenteng real property taxpayers sa Coron at Busuanga bago magsagawa ng public auction sale.

Ayon kay provincial treasurer Elino Mondragon sa pamamagitan ng Palawan Provincial Information Office (PIO), personal na inihatid ang mga final notice ng mga kawani ng kanilang tanggapan sa mga barangay sa bayan ng Busuanga nitong nakalipas na Marso 9-19, at noong Marso 6-8, 2023, naman sa bayan ng Coron.

Sa pahayag ni Mondragon na chairman rin ng Provincial Committee on Public Auction, ito ang unang hakbang ng kanilang tanggapan bago magsagawa ng public auction sale.

Aniya, maliban sa paghahatid at pagpapadala ng abiso sa mga nagmamay-ari ng mga ari-ariang di natitinag, ipinapaskil din ang listahan sa mga barangay hall na may mga nagmamay-ari na hindi pa nakapagbabayad ng kaukulang buwis.

Ipinaliwanag niya na ang notice of final delinquency ay kanilang inilalabas dahil sa bigong makapagbayad ng kanilang real property taxes ang mga owners, ganoon din ang surcharges, nang padalhan ng notice ng Municipal Treasurer’s Office (MTO).

Nananawagan si Mondragon na agad na magtungo o makipag-ugnayan sa kanilang tanggapan ang mga may-ari at huwag ng hintayin na padalhan sila ng warrant of levy na ang kasunod ay ang pagsasailalim ng kanilang pag-aari sa public auction.

About Post Author

Previous article2006 World Champion Ronnie Alcano, wagi vs ‘rising star’ Aries Jake Aragon sa billiard
Next articleKauna-unahang fisheries caravan, isinagawa sa bayan ng Quezon