Nagbabala ang Palawan Provincial Police Office (PPO) laban sa mga ilegal na paputok ngayong papalapit na ang holiday season.
Sa panayam ng Palawan News sa hepe ng PPO na si P/Lt. Col. Adonis Guzman, higit 18 uri ng mga paputok ang ipinagbabawal ibenta.
Ito ay ang mga sumusunod:
- Watusi
- Piccolo
- Poppop
- Five Star
- Pla-pla
- Lolo Thunder
- Giant Bawang
- Giant Whistle Bomb
- Atomic Bomb
- Super Lolo
- Atomic Triangle
- Goodbye Bading
- Large-size Judas Belt
- Goodbye Philippines
- Goodbye Delima
- Bin Laden
- Hello Columbia
- Mother Rockets
- Goodbye Napoles
- Coke-in-Can
- Super Yolanda
- Pillbox
- Mother Rockets
- Boga
- Kwiton
- Kabasi
Ayon pa kay Guzman, magsasagawa sila ng mga inspection at pagbisita sa mga tindahan ng paputok upang makasiguro na walang ipinagbabawal ang maibebenta sa merkado.

Magsasagawa din ng Oplan Sita at maigting na pagpapatrolya ang PPO para naman sa mga nagpapaputok sa lansagan.
Dagdag pa ni Guzman, patuloy din ang kanilang pagpapaalala sa social media patungkol sa mga ipinagbabawal na paputok.
Base sa Republic Act 7183 o ang batas na nagreregulate sa bentahan, pag gawa at pag gamit ng mga paputok, maaring makulong ng 6 hanggang 1 taon, multa ng P20,000 hanggang P30,000 at kanselasyon ng permit para sa mga nagbebenta nito.
Ayon pa sa PPO, ang kanilang paghihigpit ay para na rin mapanatiling ligtas at payapa ang pagdiriwang ng pasko at bagong taon sa lalawigan.