Jan 16, 2021

 Prov’l PNP, may bago ng direktor

Ayon sa pahayag ni PLt. June Rian, nakatakdang bumalik si P/Col. Nicolas Torre sa MIMAROPA Police Regional Office upang umupo bilang Deputy Regional Director for Operations. Si Obar ay kasalukuyang pinuno ng Regional Special Training Unit 3 ng PNP.

Image courtesy of Palawan Ppo Pcr facebook page

 

Naglabas ng bagong order ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na itinatalaga si P/Col. Frederick Eslava Obar bilang bagong acting provincial director ng Palawan Provincial Police Office (PPPO.)

Ayon sa pahayag ni PLt. June Rian, nakatakdang bumalik si P/Col. Nicolas Torre sa MIMAROPA Police Regional Office upang umupo bilang Deputy Regional Director for Operations. Si Obar ay kasalukuyang pinuno ng Regional Special Training Unit 3 ng PNP.

“Babalik lang po sa dating puwesto si DRDO, doon lang din po sa region. Pansamantala lang naman din naman kasi si OIC Torre dito dahil sa inaantay lang naman po yung papalit doon sa dati (Bartolome), ngayon po na may dumating na po, may order na po galing Camp Crame,” pahayag ni Lt. Rian.

Matatandang si Torre ay itinalaga bilang pansamantalang PD kapalit ni P/Col. Dionisio Bartolome noong Nobyembre 22 kaugnay ng sunod-sunod na pagpaslang ng ilang indibidwal sa bayan ng Narra na kinasasangkutan ng mga riding in tandem.

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry