(File photo)

Hiniling ng Sangguniang Panlalawigan sa Department of Public Works and Highways (DPWH) na lagyan nito ng “median strip” ang mga karagdagang lane sa national highway para sa kaligtasan ng mga sasakyan, driver, at pasahero.

Ayon kay board member Cherry Pie Acosta na may akda ng ipinasang resolusyon hinggil sa six-lane highway, dapat i-prioritize ito ng DPWH.

“Malaking tulong ito para maiwasan ang aksidente, parang barrier siya para hindi magkabanggaan ang magkasalubong na sasakyan. Lalo na dito sa Palawan maraming hari ng kalsada,” sabi ni Acosta.

Ang median strip o central reservation ay ang linya o bahagi ng kalsada na naghihiwalay sa mga opposing lane ng trapiko sa hiniwalay na roadways tulad ng divided highways, freeways, at motorways na ang layunin ay iwasan ang aksidente sa lalawigan.

About Post Author

Previous articleNew virus cause of China pneumonia outbreak: WHO
Next articleSouth Korean reality show ‘Law of the Jungle’ to film episodes in Palawan
is the chief of correspondents of Palawan News. She covers defense, politics, tourism, health, and sports stories. She loves to travel and explore different foods.