Larawan mula sa Palawan Provincial Veterinary Office sa pamamagitan ng Provincial Information Office.

Isang malawakang medical veterinary mission ang inimplementa ng Provincial Veterinary Office (PVO) upang mabigyan ng kaukulang medikal na atensyon ang mga alagang hayop ng mg residente ng bayan ng Roxas at Taytay na naapektuhan ng bagyong Odette.

Humigit-kumulang 200 mga baka, kambing, at tupa sa dalawang munisipyo na ito ang napagkalooban ng mga vitamin supplements at pagpupurga mula sa veterinary medical team ng PVO noong noong nakalipas na Disyembre 27-29, 2021, sa pamumuno ni Dr. Darius Mangcucang ng PVO.

Maliban dito, tinuruan din ng PVO ang mga nag-alalaga ng mga hayop ng emergency procedures na maaaring gawing paunang lunas at iba pang kakailanganing atensyong medikal ng mga hayop kung magkaroon man ng mga kalamidad na inaasahan.

- Advertisement -
Makikita sa larawan ang isang empleyado ng Palawan ProVet noong medical veterinary mission. (Larawan mula sa Palawan Provincial Veterinary Office sa pamamagitan ng Provincial Information Office)

“Ang kalamidad na ito ay nag-iwan ng pinsala hindi lamang sa buhay ng mga tao, kundi sa mga hayupan na naging parte na ng kabuhayan ng mga tao. Ang PVO ay patuloy na magbibigay serbisyo sa mga magsasaka bilang mandato ng aming opisina”, pahayag ni Mangcucang.

Ayon kay Mangcucang, ngayong buwan ng Enero ay magpapatuloy ang kanilang ginagawang pangangalap ng mga datos upang matukoy kung gaano kalaki ang pinsalang naiwan ng bagyo sa mga hayupan sa lalawigan, at kung paano patuloy na makatutulong ang kanilang tanggapan sa mga nag-aalaga ng mga hayop na pangunahing kabuhayan ng ilang mga magsasaka.

Sa ngayon ay naghahanda na rin ang kanilang medical team para sa patuloy na malawakang veterinary medical mission sa iba pang mga munisipyo sa bahaging norte ng lalawigan.

Previous articleCold wind breeze across the country throughout the day due to northeast monsoon
Next articlePNP unit commanders in MIMAROPA reshuffled, including PPC police chief