Magsasagawa ngayong araw, March 24, ng anti-rabies vaccination drive ang Provincial Veterinary Office (ProVet) sa convention center ng Kapitolyo bilang bahagi ng pagdiriwang ng Rabies Awareness Month.

Ayon sa Provincial Information Office (PIO), ang malawakang vaccination drive ay mag-uumpisa nang 8 a.m. hanggang 5 p.m.

Layunin ng aktibidad na may temang “Rabies-Free na Pusa’t Aso, Kaligtasan ng Pamilyang Pilipino”, na makatulong sa mga residente na may mga alagang hayop, tulad ng mga aso at pusa.

Maliban sa tamang pag-aalaga sa mga ito ay kailangan din ng mga alagang hayop ng bakuna para sa rabies prevention, at upang maiwasan din ang mga sakit na maaaring makahawa sa tao.

About Post Author

Previous articleCoron port, handa na sa pagdagsa ng mas marami pang pasahero
Next article150 seedlings ng Ipil, itinanim sa paligid ng Magsaysay Water System