(File photo)

Sa pamamagitan ng patuloy na suportang ibinibigay ng lokal na pamahalaan ng bayan ng Rizal, maganda ang nagiging produksyon ng agar-agar mula sa seaweeds farmers ng nasabing bayan, ayon sa Municipal Agriculture Office (MAO).

Ayon kay Henry Palarca, municipal agriculturist, ang seaweeds farmers ay patuloy na nabibigyan ng suporta sa pamamagitan ng Municipal Livelihood Assistance for Agriculture Development (MLAAD).

Dagdag niya, kada taon ay maganda at mataas ang seaweeds production ng mga barangay ng Bunog, Latud at Canipaan.

“Ang tatlong ito ay may mataas ang production ng seaweeds. Kasama sila sa fisherfolks program natin sa LGU, at kapag may allocation na inputs ay naipapahatid natin sa kanila agad ‘yan,” pahayag ni Palarca, Huwebes, September 9.

- Advertisement -

“Katunayan kabilang sila sa fund allocation ng MLAAD na P10 million kada taon, kasama ang rice farmers at mga fisherfolk,” dagdag niya.

Aniya, bahagi ng suporta sa seaweeds farmers ang pagbibigay ng mga pagsasanay at mga materyales para sa kanilang taniman gaya ng mga lubid.

Pagdating naman sa mga peste sa seaweeds, batay sa kanilang evaluation at assessment ngayong taon ay wala silang naitalang problema sa produksyon nito base na rin sa mga inpormasyong magmumula sa mga seaweeds growers.

“Unlike sa ibang munisipyo mayroon, minsan nalulusaw ang seaweeds dahil sa sea level temperature rise, pero dito sa atin very productive at maganda ang income ng mga seaweeds farmers natin sa ngayon,” paliwanag niya.

Dagdag pa ni Palarca, patuloy din ang koordinasyon ng kanilang opisina sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) at Department of Agriculture (DA) katuwang ang Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan upang makapagsagawa pa ng marami pang mga pagsasanay sa pagpapalago ng seaweeds.

Previous articlePolice station soon to rise in Brgy. Napsan
Next article‘Fast increasing’ rise in COVID-19 cases alarms city IMT
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.