Tinuturuan ang mga guro ng San Vicente, Palawan sa tamang paggamit at pangangalaga ng mga ipinagkaloob na printing machine ng pamahalaang lokal ng San Vicente. | Larawan mula sa LGU-San Vicente

Nagkaloob ang Lokal na Pamahalaan ng San Vicente, Palawan ng 12 Riso Printing Machine sa Department of Education (DepEd)-San Vicente District kamakailan.

Ang 12 RISO printing machines ay binili ng Pamahalaang Bayan ng San Vicente bilang suporta sa pagtataguyod ng distance learning sa munisipyo.

Ito ay katugunan din sa pangangailangan ng mga guro at mga paaralan sa mas mabilis na produksyon ng mga modules na kanilang ipinamamahagi sa mga mag-aaral.

Ang distance learning ang estratehiyang ginagamit ng DepEd sa pagtuturo ngayong panahon ng pandemya bilang alternatibong pamamaraan habang wala pang face to face classes.

Bago ang pag-turn-over ng nasabing mga kagamitan sa DepEd San Vicente ay tinuruan muna ang mga guro sa tamang paggamit at pangangalaga ng naturang mga printing machine.

Nauna dito ay nagkaloob na rin si San Vicente Mayor Amy R. Alvarez ng 7,680 reams ng bond paper at 10,000 black ball pens sa DepEd-San Vicente ngayong taong-panuruan 2020-2021. (OCJ/PIA-MIMAROPA, Palawan)

Previous articlePH demands China to remove ships from Julian Felipe Reef
Next articleWater System Project sa Green Island sa Roxas, Palawan, matatapos na