BROOKE’S POINT, Palawan—Pagkatapos ng malawakang pagbaha sa bayan na ito ay kinakaharap naman ng mga residente ang mga tumataas na presyo ng mga bilihin sa palengke.

Ito kasi ay lubhang naapektuhan ang mga high-value crops, o mga pananim, tulad ng gulay, mais, palay, at iba pa.

“Wala tayo halos local supply mula dito sa  ating bayan dahil nasira ang mga pananim sa pagbaha. Nag-aangkat kami sa ibang bayan at itinitinda dito para may mabili ang tao,” ayon kay Angie Loquinario nagtirinda ng gulay.

Ang presyo ng gulay na kalabasa na dati ay P15-25 lamang ay umabot na sa P60-70 per kilo. Ang talong na dati ay P40-50 lang, ngayon ay umaabot na sa P80-120 ang kilo, at ang kamatis na P40-60 ang kilo, ngayon ay tumaas na sa P70-80 kada kilo. Ang bawang na dati rati ay P80-90 per kilo, ngayon ay nagkakahalaga na ng P120-130 per kilo.

Bahagya namang bumaba ang presyo ng sibuyas na dati ay P300-400 per kilo, ngayon ay nasa P250 na lamang.

Nanatili naman ang presyo ng  bigas sa P85-125 per salop, P120-240.00, karne ng baboy P230-270, karne ng baka P240-340, at karne ng manok P230-235 ang kilo.

“Ini-expect natin na maapektuhan talaga ng pagbaha ang presyo ng gulay dahil unang tinamaan ay ang mga high-value crops na pangangailangan natin sa kusina araw-araw,” ayon naman kay Rene Bacoza ang municipal agriculture officer.

About Post Author

Previous articleBabae patay sa banggaan ng dalawang motorsiklo sa Brgy. Inagawan
Next articleFestival hopping in the Philippines in honor of Black Nazarene and Sto.Nino
is the correspondent of Palawan News in Brooke's Point, Palawan. She covers politics, health, government policies, tourism, and sports. Her interests are exploring different places, singing, gardening, reading bible and eating.