Nagpaalala ang Puerto Princesa City Police Office (PPCPO) sa mga motorista na mag-ingat sa pagmamaneho dahil sa walang tigil na pag-ulan na nagiging dahilan ng madulas na kalsada at nagiging sanhi ng aksidente sa lungsod.

Kasunod ito ng aksidente na naganap kagabi kung saan 9 na pasahero ng naka park na van, kabilang na ang mga bata, ang nasangkot sa aksidente nang mabangga ito ng tumatakbong Nissan pick up sa kahabaan ng national highway na sakop ng Barangay San Jose, bandang 7:15 kagabi, November 20.

Ayon sa imbestigasyon ng mga pulis na nasa lugar, nakaparada ang van lulan ang mga kabataan at isang matanda ng biglang mabangga ito pick up na minamaneho ng 64 anyos na si Domingo Graco.

Ayon pa rin sa kanila, nasa impluwensya diumano ng alak si Draco.

Pinatotohanan naman ito ng isang nakasaksi na si Zaldy Dico.

“Paalis na sila (mga biktima) galing sa party, pasakay na ng biglang dumating ang Nissan pick up at biglang bumangga sa kanila,” pahayag niya hinggil sa mga biktima.

“Galing siya (Draco) sa inuman kasi sumunod ang kainuman niya, kaya nalaman namin na galing sa inuman,” pahayag pa rin niya hinggil naman kay Draco.

Wala pang inilalabas na buong resulta ng imbestigasyon ang Puerto Princesa City Police Office (PPCPO) hanggang sa isinusulat ang balita na ito.

About Post Author

Previous articleSundalo patay matapos aksidenteng mabaril ang sarili
Next articleHarmful algal blooms or red tide in the country can now be monitored
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.