Pagbisita ni Regional Technical Director NMIS RTOC IV-B Dr. Maria Ancilla S. Zartiga ng National Meat Inspection Service kasama sina MEEDO Bernard Quijano sa kasalukuyang Slaughterhouse ng bayan ng Brooke's Point. | Larawan mula kay Bernard Quijano

BROOKE’S POINT, Palawan – Umaasa ang bayan ng Brooke’s Point na mapapabilang ito sa apat na masuwerteng mapipili na makakatanggap ng Php8 milyong karagdagang pondo para sa pagpapagawa ng slaughterhouse ng bayan.

Ito ay matapos ang pagbisita ni regional technical director Maria Ancilla S. Zartiga ng National Meat Inspection Service (NMIS) sa kasalukuyang slaughterhouse ng bayan at ocular inspection sa lupang inilaan ng lokal na pamahalaan para sa proyekto noong November 3.

Bago pa man bumisita si Zartiga ay una ng nagpadala ng liham ang lokal na pamahalaan upang mag-request ng karagdagang pondo sa ilalim ng 50-50 budgeting scheme program ng NMIS.

Matatandaang kamakailan ay may ilan ng mga residente ang nagreklamo sa pangangamoy ng slaughterhouse dahil napapalibutan na ito ng maraming bahay at nagiging masikip na dahil sa dami ng mga kinakatay na hayop araw-araw.

Maliban dito ay may kalumaan na rin ang pasalidad.

“Taong 1979 pa pinagawa ang slaughterhouse, at noon wala pang masyadong nakatira sa Balacan at medyo sapat pa ang pasilidad. Pero ngayon ay napalibutan na ito ng mga residente. Di rin maiwasan na minsan ay mangamoy ang mga dumi ng hayop,” ayon kay municipal economic enterprise development officer Bernard Quijano.

Dagdag pa ni Quijano, handa  na rin umano ang Php8 milyon bilang share ng lokal na pamahalaan para sa  50-50 budgeting scheme. Manggaling ito sa 20% development fund ng Brooke’s Point ngayong taon.

Ikinatuwa rin ni Quijano na pasok ang bayan ng Brooke’s Point sa  Seal of  Good local Governance (SGLG) na isa sa naidagdag sa requirements dahil sa sunod-sunod na natamo nilang award.

Samantala, bagama’t malaki ang pag-asa ng LGU na masungkit ang pondo dahil kumpleto ito sa lahat ng kinakailangan na requirements, ay tila mala butas naman ng  karayom ang pagdadaanan ng bayan.

Sa buong Pilipinas, mayroong 38 bayan ang aplikante, at apat lamang dito ang bilang ng siguradong mapagbibigyan.

“Malaki sana ang chance natin dahil pasok tayo sa lahat ng requirements ng National, yon nga lang out of 38 applicants ay 4 lang amg kanilang pipiliin na mabigyan,” ayon sa focal person ng proyekto na si Jeriel Malacao, project supervisor ng lokal na pamahalaan.

About Post Author

Previous articleCity PNP may lead na sa kaso ng hit and run sa Brgy. San Rafael
Next article3 out of 5 children psychologically abused: CWC
is the correspondent of Palawan News in Brooke's Point, Palawan. She covers politics, health, government policies, tourism, and sports. Her interests are exploring different places, singing, gardening, reading bible and eating.