Ang motorsiklo na minamaneho ni Aljemar Maddin Asle, 18, ay makikitang nakatumba sa ilalim ng grandstand sa covered court na ito sa Barangay Iraan, Rizal, matapos tumama sa poste, noong gabi nang Oktubre 30. (Photo from Palawan Police Provincial Office)

Dalawang lalaki ang naitalang nasangkot sa magkahiwalay na vehicular accident sa Southern Palawan sa mga bayan ng Sofronio Española at Rizal, noong Sabado, Oktubre 30, ayon sa ulat mula sa Palawan Police Provincial Office (PPO).

Ayon sa ulat na ibinahagi ni P/Maj. Ric Ramos, unang naaksidente si Diosdado Ramirez Santiago, 60, bandang 7:50 nang gabi sa national highway sa Barangay Pulot Center sa bayan ng Sofronio Española. Wala umano itong lisensya nang magmaneho ng sasakyan na EON Hyundai sakay ang tatlong pasahero.

Sa isinagawang imbestigasyon, patungo sa sur mula sa norte si Santiago at ang mga sakay nito. Pagdating sa lugar ng pinangyarihan ng aksidente, partikular sa pababa at kurbadang bahagi ng highway, ay nawalan umano ito ng kontrol sa pagmamaneho kaya nag-overshoot at bumangga sa railings.

Habang isinusulat ang balita na ito ay sinabi ng PPO na hindi nasaktan si Santiago, maging ang mga pasahero nito.

Ang EON Hyundai na minamaneho ni Diosdado Ramirez Santiago ay makikita sa larawan na ito noong gabi nang Oktubre 30 matapos maaksidente sa Barangay Pulot Center sa bayan ng Sofronio Española. (Photo from Palawan Police Provincial Office)

Bandang 10:50 nang gabi ng nasabi rin na araw ay naaksidente at nagtamo ng mga seryosong sugat sa ulo at iba pang bahagi ng katawan si Aljemar Maddin Asle, 18, sa municipal road sa Sitio Guilingan, Barangay Iraan sa bayan ng Rizal.

- Advertisement -

Ayon sa imbestigasyon, wala rin umano itong lisensya nang imaneho ang isang Honda TMX 125 na motorsiklo.

Papunta si Asle sa direksyong norte ng Iraan mula sa sur nang maganap ang aksidente. Binabagtas umano nito ang kurbadang bahagi ng municipal road ngunit nag-overshoot at tumama ang motor sa poste ng covered court ng barangay.

Ang biktima ng aksidente sa motor na si Aljemar Maddin Asle, 18, matapos siyang isugod sa ospital. (Photo from Palawan Police Provincial Office)

Una itong dinala sa Rizal District Hospital, ngunit ini-refer sa ospital sa Puerto Princesa dahil sa nangangailangan ito ng intensive medical treatment.

Habang isinusulat ang balitang ito ay wala pang ulat ang PPO kung ano na ang kanyang kalagayan sa ospital.

Previous articleEDITORIAL: Reopening Puerto’s tourism industry
Next articlePamahalaang bayan ng Narra, naglabas ng patakaran para sa pagsasailalim sa GCQ
handles the online presence of Palawan News as its social media manager. When she has free time, she travels and writes about her adventures.