Arestado ang tatlong wanted sa Puerto Princesa City at sa mga bayan ng Taytay at El Nido sa magkasunod na araw ng December 14 at December 15 dahil sa mga kasong rape, child abuse, at paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act, ayon sa mga ulat ng Palawan Police Provincial Office (PPO).

Noong December 14 ay inaresto si Remy Martinez Tinto, alyas Nonoy, 34, at residente ng Barangay Pamantolon sa munisipyo ng Taytay dahil sa 5 counts ng rape at paglabag sa Anti-Child Abuse Law o Republic Act (RA) 7610.

Naaresto si Tinto na itinuturing na Rank No. 4 wanted person sa provincial level sa Brgy. Poblacion, Taytay sa bisa ng warrant na ibinaba noong November 23, 2021, ni Judge Emmanuel Artazo ng Branch 14 Family Court (FC) ng Palawan Regional Trial Court (RTC).

Walang inirekomendang piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan dahil sa 5 counts of rape, samantalang mayroong P80,000 na inirekomenda para sa kasong child abuse.

Ang kanya diumanong paglabag sa Section 10(a) ng Anti-Child Abuse Law o Republic Act 7610 ay may kinalaman sa Other Acts of Neglect, Abuse, Cruelty or Exploitation and Other Conditions Prejudicial to the Child’s Development. Sakaling mapatunayang nagkasala, maaari siyang patawan ng parusa na prision mayor sa minimum period nito.

Si Tinto ay nasa kustodiya ngayon ng Taytay Municipal Police Station (MPS) para sa nararapat na disposisyon sa mga kasong kinakaharap.

Noong kaparehong araw din ay inaresto naman sa Brgy. Sta. Monica sa Puerto Princesa City ang wanted na si Paulino Diaz Dizon, alyas Bimbo, 48, laborer, at residente ng Hacienda, Barangay Antipuluan, Narra, dahil sa paglabag sa Section 5 at 11 ng Article II ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Dinakip siya ng mga personnel ng PIDMU, Narra MPS, at RIDMD sa bisa ng warrant na ibinaba noong January 16, 2020, ni Judge Leah Delos Reyes-Baguyo ng Branch 48 Fourth Judicial Region ng RTC sa Puerto Princesa City.

“For commitment” si Dizon dahil walang inirekomendang piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Sa Brgy. Masagana sa bayan ng El Nido ay inaresto naman kahapon, December 15, si John Paul Nalaunan Bautista, 21, isang magsasaka, at residente ng Brgy. Barotuan, dahil sa kasing paglaban din sa Anti-Child Abuse Law.

Hinuli siya ng awtoridad sa bisa ng warrant na ibinababa din ni Judge Artazo noong July 16, 2021. May inirekomendang P80,000 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

About Post Author

Previous articleCuyo islands placed under Signal No. 2
Next articlePCA namahagi ng cash incentives sa mga magsasaka ng niyog sa 2 barangay sa Roxas
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.