Tatlong indibidwal na wanted dahil sa mga kasong illegal fishing at attempted homicide na isinampa sa kanila ang naaresto sa mga bayan ng Culion at Aborlan.

Ayon sa report mula sa Palawan Provincial Police Office (PPO), naaresto noong December 13 sa Brgy. Luac, Culion, ang 37 taong gulang na mangingisda na si Rodrigo Aniñon ng mga pulis ng nasabing bayan at Taytay dahil sa paglabag sa Section 97 ng Republic Act 8550 na may kinalaman sa ilegal na pangingisda.

Ang warrant ay ibinaba para siya arestuhin ni Judge Angelo Arizala ng Branch 52 ng 4th Judicial Region ng Regional Trial Court (RTC) noong October 2, 2019. May inirekomendang piyansa na P40,000 para sa kanyang pansamantalang kalayaan habang dinidinig ang kaso.

Noong December 14 naman ay naaresto sa Brgy. Magsaysay sa Aborlan ang mga magsasaka na sina Richie Vista, 36, at Peter Omagap, 52, dahil sa kasong attempted homicide. Ang dalawa ay kapwa residente ng Brgy. Apoc-apoc sa nabanggit din na bayan.

Sa ulat ng PPO, ang warrant para sa pag-aresto sa kanila ay ibinaba ni Judge Norferio Nono ng Municipal Trial Courth, Fourth Judicial Region, noong December 5, 2022.

Pinayagan sila ng korte na magpiyansa ng P36,000 bawat isa para sa pansamantalang kalayaan.

Silang tatlo ay nasa kustodiya ng mga municipal police stations ng mga bayan kung saan sila naaresto para sa kaukulang disposisyon.

About Post Author

Previous articleSK El Nido wins award, P100k for having best practices for youth welfare
Next articleBag na aksidenteng naiwan sa Jollibee sa SM, kita sa CCTV na nakuha ng isang babae
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.