Ang mga naarestong suspek na sina Jedah Gacis Omis, Ricky Solitario Canillo, at Alejandro Sibugan Bautista. (Ang mga larawan na ito ay blurred na nang ibahagi sa Palawan News ng Police Provincial Office ng Palawan)

Tatlong suspek ang dinakip kamakailan ng awtoridad dahil sa kasong acts of lasciviousness, at paglabag sa cyber crime prevention act at forestry code sa mga bayan ng Quezon, Coron, at El Nido sa magkakaibang operasyon sa noong Biyernes, September 17.

Ayon sa report na inilabas ng Police Provincial Office (PPO) sa Palawan, unang nadakip sa Barangay Alfonso XIII ang suspek na si Jedah Gacis Omis, 27, residente ng nasabi rin na barangay, dahil sa kasong paglabag sa Cyber Crime Prevention Act of 2012 o Republic Act 10175.

Ang warrant ay ibinaba para siya ay arestuhin ni Judge Ramon Chito R. Mendoza ng Branch 165 ng Regional Trial Court sa Brooke’s Point na may petsa na September 9. Nag-rekomenda ng halagang P10,000 ang korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Naaresto rin sa kaparehong araw sa Sityo Dahat, Brgy. Bintang sa Coron ang suspek na si Ricky Solitario Canillo, 21, residente ng nasabi rin na barangay, dahil sa kasong acts of lasciviousness.

Ang warrant para sa pagdakip sa kanya ay ibinaba ni  Judge Lovelle Moana R. Hitosis, presiding judge of MCTC Coron-Busuanga-Gaudencio E. Abordo sa Coron noong September 10. Naglaan ang korte ng halagang P36,000 bilang piyansa para siya ay pansamantalang makalaya.

Ang ikatlo ay si Alejandro Sibugan Bautista, 66, residente ng Brgy. Barotuan, El Nido, dahil sa kasong paglabag sa Section 77 ng Forestry Reform Code of the Philippines o Presidential Decree 705 na may kinalaman sa “unlawful possession of implements and devices used by forest officers”.

Inaresto siya dahil sa bisa ng warrant na ibinaba ni Judge Ma. Theresa Mangcucang, presiding judge ng Municipal Trial Court (MTC) El Nido na may petsa na August 5, 2021. Naglaan ng piyansa na P18,000 ang korte para sa kanyang pansamantalang paglaya.

Previous articleRobin Padilla seeks advice on whether to pursue career in showbiz or politics
Next articleCloudy skies in Palawan brought by ITCZ
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.