Larawan mula sa Palawan Police Provincial Office

Tatlong sabungero ang inaresto, samantalang nakatakas ang apat pa nang magsagawa ng raid ang mga pulis sa ilegal na tupada na kanilang isinasagawa noong Sabado, Pebrero 12, sa Sitio Tabunan, Barangay Suba sa bayan ng Cuyo.

Kinilala ang mga suspek na ngayon ay nasa kustodiya ng Cuyo Municipal Police Station (MPS) na sila Argie Valencia Montebon, Vivencio Saludaga Condes, at Bonifacio Rambongga Sanchez. Ang mga nakatakas naman ay kinilalang sina Emmanuel Ayeng Ompad at tatlo pang hindi natutukoy ang pagkakakilanlan.

Ayon sa report ng Cuyo MPS sa pamamagitan ng Palawan Police Provincial Office (PPO), mayroong concerned citizen na tumawag sa kanila kaugnay sa ilegal na tupada sa lugar. Nakuha sa Tabunan ang P370 halaga ng pera, mga panabong na manok, at ilang paraphernalia.

Kasong paglabag sa Presidential Decree 1602 ang isasampa sa mga suspek.

Sa bayan naman ng Araceli, apat ang naaresto sa kaparehong paglabag sa Purok 1, Barangay Sto. Niño, 4:50 kahapon, Pebrero 13.

Ang mga suspek ay kinilalang sila Randy Jebolan Forones, 42; Pelagio Veloya Heredero Jr., 47; Federico Illustrisimo Elliot, 49; at Felizardo Roma Morales Jr.,37, kapwa mga residente ng lugar.

Sa report ng Araceli MPS, agad silang nagpadala ng tao sa lugar para beripikahin ang impormasyon kaugnay sa nasabing ilegal na sabong. Nakuha sa lugar ang P1,700 na halaga ng pera, 17 panabong na manok, at mga paraphernalia.

Nananatili ang mga naarestong suspek sa kustodiya ng Araceli MPS at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa PD 1602 o illegal cockfighting.

About Post Author

Previous articleBrgy. Tinitian, Roxas, nagsagawa ng protesta vs NPA
Next articleBabaeng menor de edad kumpirmadong patay sa aksidente sa Brgy. Santa Lucia
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.