Arestado sa mga bayan ng Roxas at Linapacan ang dalawang wanted persons dahil sa mga kasong kinasasangkutan na rape at qualified theft noong July 4.

Ang mga ito ay sina Jovie Lahao-Lahao Suanque Jr., 21, na itinuturing na Rank No. 1 most wanted sa municipal level, at si Marlon Abrero Dela Rosa, 46, isang magsasaka.

Si Suanque na isang magsasaka ay inaresto sa Barangay 4, Roxas, dahil sa kasong panggagahasa sa pamamagitan ng warrant na inilabas noong May 17, 2022, ni Judge Arnel Cezar ng Branch 163, Fourth Judicial Region, Regional Trial Court (RTC).

Ang suspek naman na si Dela Rosa na residente ng Brgy. Jose Rizal, Aborlan, ay naaresto sa Brgy. Concepcion sa bayan ng Busuanga dahil siya ay wanted sa kasong qualified theft sa Cebu City.

Ang pag-aresto sa kanya ay sa bisa ng warrant na ibinaba ni Judge Dax Gonzaga Xenos ng Branch 23 ng 7th Judicial Region ng RTC sa Cebu City na may petsang June 17, 2022.

Para sa kanyang pansamantalang kalayaan habang dinidinig ang kaso ay maaari siyang maglagak sa korte ng inirekomendang piyansa na P30,000.

Previous articleMGB opens nominations for 2022 PMIEA, Best Mining Forest Contest, Safest Mines Awards
Next articleWESCOM presents transformation roadmap to AFP GHQ
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.