Sa larawan na ito mula sa Palawan PPO ay makikita si Jhovy-Rhiana Bitala Flores habang isinasagawa ang joint operation upang siya ay arestuhin dahil sa paglabag sa batas na sumasaklaw sa illegal numbers game.

Dalawang kubrador ng illegal numbers game ang magkahiwalay na inaresto noong hapon ng Pebrero 28 ng awtoridad sa mga munisipyo ng Narra at Brooke’s Point.

Ayon sa ulat mula sa Palawan Police Provincial Office (PPO) sa pamamagitan ng tagapagsalita nito na si P/Maj. Ric Ramos, ang mga inaresto ay sina Jhovy-Rhiana Bitala Flores, 44, isang tricycle driver, at residente ng Malunggay St. sa Barangay Poblacion sa Narra, at si Jesusa Manduron Baldad, 35, residente ng Sitio Road Side, Brgy. Mainit, Brooke’s Point.

Ang babaeng si Flores ay naaaresto, 5:45 ng hapon ng nasabing araw sa South Terminal ng Brgy. Poblacion sa Narra dahil sa illegal small town lottery (STL), samantalang ang lalaking si Baldad ay 6:30 ng hapon ng kaparehong araw sa Brooke’s Point.

Naaresto si Flores na inaakusahang kubrador ng ilegal na pataya ng STL habang nag-i-issue ng resibo sa isang mananaya.

- Advertisement -

Inaresto siya sa joint operation na pinangunahan ng Narra Municipal Police Station (MPS), katuwang ang 1st Palawan Police Mobile Force Company (1st PMFC) and Provincial Intelligence Unit (PIU), at Palawan PPO.

“Initiative ng higher office yan. May mga mali kasi na procedure sa pagpapataya kaya naoperate sila,” pahayag naman sa Palawan News ng hepe ng Narra MPS na si P/Maj. Reginald Manalo.

“Numbers game, then nag-i-issue sila ng unauthorized receipt. Nag-i-issue yong nahuli ng unauthorized receipt,” dagdag ni Manalo.

Nakumpiska mula kay Flores ang sales identification card, dalawang piraso ng P20 na dusted bills, mga hindi awtorisadong resibo, 10 piraso ng lastillas (bet sheet), at isang bundle pa ng lastillas.

Habang isinusulat ang balitang ito ay nasa kustodiya ng Narra MPS si Flores para sa pagsasampa ng kaso dahil sa paglabag sa Republic Act 1602 na may kinalaman sa illegal numbers game.

Ang lalaking si Baldad naman ay inaresto sa joint operation ng PIU, Palawan PPO, at Brooke’s Point MPS. Ang narekober sa kanya ay mga pera na taya at marked money na ginamit, throw coin sa peryahan, listahan ng taya, listahan para sa raffle na may date na 02/28/22, PCSO peryahan throw coin original receipt, throw coin PCSO duplicates at 17 piraso ng blangko na throw coin receipt.

Siya ay nasa kustodiya ngayon ng Brooke’s Point MPS.

Previous articleRed Cross set to distribute more assistance to typhoon Odette affected families in Palawan
Next articleMangsee residents now have access to potable water
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.