Dalawang wanted sa batas ang inaresto ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa magkahiwalay na operasyon sa lungsod ng Puerto Princesa bilang bahagi ng “Oplan Pagtugis at Salikop”.

Unang nadakip si John Philip Duran sa Sitio Soliman, Barangay Iwahig, noong araw ng Linggo, Enero 27.

Si Duran ay inaresto sa bisa ng warrant na inilabas ni Judge Arlene Bayuga Guillen ng Puerto Princesa City Court, Branch 13, na may petsang January 17, 2022 para sa kasong panggagahasa.

Araw naman ng Martes, Pebrero 1 nang madakip si Danilo Blas, 54 taong gulang, sa Purok II, Brgy. San Manuel.

- Advertisement -

Si Blas ay nagtago ng halos 40 taon matapos masangkot sa pagpatay noong ito’y 13 anyos pa lamang.

Siya ay inaresto sa bisa ng warrant na inilabas ni Judge Benjamine A.G. Vega ng Branch 4 ng Palawan Regional Trial Court (RTC), at Judge Rufrocinio Dela Merced ng Palawan 7th Judicial District Branch III sa Lungsod ng Puerto Princesa noong taong 1982, para sa mga kasong murder at frustrated murder.

May nakalaang piyansang nagkakahalaga ng P15,000 para sa kaso nitong frustrated murder habang wala namang piyansa para sa kasong murder.

Previous articleMarines to decide where to deploy newly acquired Indian cruise missiles
Next articleDA-China negotiations on for lower-priced fertilizer
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.