Dalawang indibidwal ang arestado sa magkahiwalay na operasyon ng pulisya kahapon, August 5.

Arestado sa Barangay New Guinlo sa bayan ng Taytay ang 39 taong gulang na si Charlie Consulta sa kasong paglabag sa RA 10883, o Anti Carnapping Act of 2016.

Nadakip si Consulta ng San Vicente Municipal Police Station (MPS) sa bisa ng warrant na ibinaba ni Judge Anna Leah Tiongson-Mendoza ng RTC Branch 164 sa bayan ng Roxas noong March 7, 2019.

Base sa nasabing warrant, may kaukulang piyansa na aabot sa P300,000 ang inilaan para sa kasong nabanggit.

Sa bayan naman ng Rizal inaresto ng mga pulis sa Brgy. Punta Baja ang isang Mark Joseph Delos Santos Villareal, 26 taong gulang.

Si Villareal ay kumakaharap sa kasong paglabag sa Sec 5 (a) at (b) ng RA 9262, o Violence Against Women and their Children (VAWC) Act.

Ang pagdakip kay Villareal ay isinagawa sa bisa ng warrant na ininaba ni Judge Ramon Chito R. Mendoza ng RTC Branch 165 sa bayan ng Brooke’s Point noon lamang miyerkules, August 3.

Naglaan naman ang korte ng P2,000 at P36,000 na piyansa para sa mga paglabag ni Villareal sa nasabing batas.

Ang dalawa ay kasalukuyang nasa kustodiya ng mga municipal police stations sa mga nabanggit na bayan.

About Post Author

Previous articleConcerned citizen, nanawagan ng tulong para sa kanyang pinsan na may sakit na lupus
Next articleSuper Junior postpones concert, to hold meet-and-greet instead
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.