- Advertisement by Google -

Apat na indibidwal na wanted sa pulis dahil sa iba’t ibang kaso na kanilang hinaharap ang inaresto noong June 28, sa magkakahiwalay na munisipyo sa Palawan.

Kinilala ang mga inaresto na sila Bonifacio Carpo Parilla, alyas “Tito Loloy”, 21; Jerry Gonzales dela Cruz, 38; Rogelio Bostria Sanidad, 63; at Mark Cayao Blando, 36.

Sa report ng Palawan Police Provicial Office (PPO), unang inaresto ang No. 2 most wanted ng bayan ng Quezon na si Parilla dahil sa dalawang kaso ng sexual assault na may kaugnayan sa Section 5 (B) ng Republic Act 7610, sa ilalim ng Article 266-A (2) ng Revised Penal Code.

Ang pag-aresto sa kanya ay naganap sa Barangay Tabon sa nasabing bayan sa bisa nang ibinabang warrant ni Judge Ramon Chito R Mendoza. May kaukulang piyansa na aabot sa P400,000 ang inilaan para sa dalawang bilang ng kasong nabanggit.

- Advertisement -

Sa Brgy. Punta Baja, bayan ng Rizal, inaresto si Blando ng mga pulis dahil sa kaso nitong frustrated murder. Dinakip siya sa bisa ng warrant na ibinaba rin ni Mendoza na may petsa na March 31, 2022. Aabot sa P72,000 ang nakalaang piyansa para sa pansamantalang kalayaan ng suspek.

Si Dela Cruz na isang mangingisda ay inaresto sa Brgy. Poblacion IV, Balabac, ng mga tauhan ng Provincial Intelligence Unit (PIU) ng Palawan PPO at 1st PPMFC sa bisa ng warrant na ibinaba pa rin ni Mendoza.

Dinakip siya dahil sa kasong paglabag sa Philippine Fisheries Code. May inirekomenda na P48,000 na piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan habang dinidinig ang kaso.

Sa Brgy. Marangas sa Bataraza naman naaresto si Senidad ng mga tauhan ng Bataraza MPS dahil sa kasong paglabag sa Chainsaw Act Section 7(4) ng RA 9175.

Ang pag-aresto sa suspek ay sa bisa din ng warrant na ibinaba ni Mendoza na may petsang June 13, 2022, at may nakalaang piyansa na aabot sa P48,000.

Ang mga inaresto ay nananatili ngayon sa mga municipal police stations ng mga nabanggit na bayan.

About Post Author

- Advertisement by Google -
Previous articleDILG Palawan clarifies gov’t fuel subsidy for trike drivers is only P1k
Next article18 infrastructure projects ng Puerto Princesa, pinasinayaan
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.