Photo courtesy of Police Provincial Office (PPO)

Tatlong indibidwal ang magkakahiwalay na inaresto sa Puerto Princesa City at sa magkaibang munisipyo sa Palawan dahil sa mga hinaharap na kasong rape, murder at attempted murder, at pagtutulak ng ilegal na droga simula Mayo 12 hanggang 14.

Ang mga ito ay pinangalanan sa mga ulat na ibinahagi ng Police Provincial Office (PPO) sa lalawigan sa pamamagitan ni P/Maj. Ric Ramos bilang sina Johnrey Peralta, 28, residente ng Barangay Ocayan sa Bataraza; Edwin Ohas Damian, 42, magsasaka, residente ng Brgy. Sandoval, Narra; at Ferlito Gantang Trajeco, alias Tawing, 38, call center agent at residente ng Brgy. Masipag sa lungsod.

Si Peralta ay inaresto noong Mayo 12 sa Brgy. Marangas sa Bataraza dahil sa warrant na ibinaba ni Judge Ramon Chito R. Mendoza ng Branch 165 ng Regional Trial Court (RTC) sa Brooke’s Point na may petsang Abril 28, 2022, dahil sa kasong murder at attempted murder.

Walang inirekomendang piyansa para sa kasong murder, samantalang mayroon naman sa kasong attempted murder na nagkakahalaga ng P120,000.

Mayo 12 din inaresto si Damian sa Brgy. Sandoval sa Narra dahil sa kasong statutory rape. Inaresto siya sa bisa ng warrant na ibinaba ni Judge Jocelyn Sundiang Dilig ng Branch 47 ng RTC na may petsang Pebrero 3, 2022.

Walang inirekomendang piyansa para sa kanyang pansamantalang paglaya.

Sa Puerto Princesa, ay inaresto ng City Drug Enforcement Unit (CDEU) sa isang buy-bust operation sa Purok Pag-asa, Barangay San Pedro, dakong 8:30 ng umaga ng Mayo 14 si Trajeco.

Nakuha mula sa kanya ang tatlong sachet ng pinaghihinalaang shabu kabilang na ang nabili sa operation, P1,000 buy-bust money, at isang cellphone.

Previous articleCOMELEC says poll workers to get allowances, honoraria within 15 days from election day
Next articleSuspect in rape and murder of elderly woman identified by cellphone left at crime scene
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.