Photo from Palawan Police Provincial office

Tatlong lalaki, kabilang ang isang senior citizen, ang magkakahiwalay na inaresto noong Mayo 1 dahil sa mga hinaharap na kasong panggagahasa at pagnanakaw sa mga munisipyo ng Quezon at Cuyo.

Sa ulat mula sa Police Provincial Office (PPO) na ipinasa sa mga mamamahayag sa pamamagitan ng tagapagsalita nito na si P/Maj. Ric Ramos, ang mga inaresto ay kinilala na sina Juhnry Libana Belen, 30 taong gulang, Roberto Artezuela Bercero, 62 taong gulang, at Racel Jean Panisales Ravina, 31.

Unang naaresto si Belen sa Sitio Tumarbong, Barangay Maasin sa bayan ng Quezon dahil sa patung patong na kaso ng panggagahasa.

Inaresto siya nang pinagsanib na pwersa ng Quezon MPS, RSCG/RPDEU MIMAROPA, 1st PMFC, PIDMU, PIU, Palawan PPO at Special Boat Unit (SBU) Quezon sa bisa ng warrant na may petsang Marso 25, 2022, na ibinaba ni Judge Ramon Chito R. Mendoza ng Branch 165, Regional Trial Court (RTC), Brooke’s Point dahil sa anim na kaso ng panggagahasa.

- Advertisement -

Arestado rin ng awtoridad si Bercero sa Brgy. Alfonso XIII, sa parehong bayan, dahil din sa kasong panggagahasa. Ang pag-aresto sa kanya ay dahil sa warrant na ibinaba ni Mendoza na may petsa din na Marso 25.

Tatlong kaso ng paglabag sa Anti-Rape Law of 1997 ang kinakaharap nito.

Walang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang kalayaan nina Belen at Bercero na ngayon ay nasa kustodiya ng Quezon Municipal Police Station (MPS).

Sa bayan ng Cuyo nama inaresto Ravina sa bahay nito sa Brgy. Cabigsing. Siya ay wanted sa kasong six counts ng pagnanakaw, at inaresto ng Cuyo MPS at 2nd PMFC, sa bisa ng warrant na ibinaba ni Judge Leah E. Delos Reyes-Baguyo, ng Branch 48 ng RTC sa Puerto Princesa City na may petsang Hulyo 24, 2020

Aabot naman sa P24,000 ang piyansa sa bawat bilang ng kaso ang itinakda ng korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Previous articleHarvester na kaloob ng mining company nasunog sa Brgy. Mambalot, Brooke’s Point
Next articleHinihinalang shabu na may street value na P340,000 nakumpiska sa buy-bust sa Bataraza
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.