Sa kabila ng pag-amin ni Leobert Dasmarinas at Jovert Valdestamon, mga pinsan ng missing person na si Jovelyn Galleno, sa diumano’y panggagahasa at pagpatay nila sa dalaga ay wala pang maisasampang kaso laban sa mga ito hangga’t hindi pa napapatunayang kay Galleno nga ang natagpuang mga kalansay nitong Martes, August 23.

Inihayag ito ng Puerto Princesa City Police Office (PPCPO), sa panayam ng Palawan News.

Ayon sa tagapagsalita ng PPCPO na si P/Cpt. Maria Victoria Iquin, kinakailangan munang mapatunayan sa pamamagitan ng DNA testing na kay Galleno nga ang mga natagpuang kalansay bago sila makapagsampa ng pormal na kaso.

“Magpa-file tayo ng kaso [kapag] may hawak na tayong death certificate, na isa sa requirements para makapag-file ng kaso. Bago tayo makakuha ng death certificate, dapat may resulta muna ang DNA test na magsasabi na ‘yan si Jovelyn,” pahayag ni Iquin.

Hanggang sa ngayon, nananatili pa din si Valdestamon sa Ospital ng Palawan (ONP), dahil sa tatlong saksak nito sa likod, habang si Dasmariñas na naaresto ng mga pulis, ay sinampahan ng kasong frustrated murder, dahil sa tangka nitong pagpatay.

“Gusto naming mapabilis para kapag lumabas na ang result mai-file na ang kaso. May mga judicial affidavit na sila, pero hangga’t wala pang result ng DNA, di pa maaring isailalim sa kustodiya ng pulisya si Valdestamon,” iginiit nito.

Base sa isinagawang imbestigasyon ng mga personnel ng Police Station 2 (PS 2) kay Valdestamon, inamin nito na ginahasa niya ang sariling pinsan at saka nila ito pinatay at itinapon sa masukal na bahagi ng Sitio Pulang Lupa sa Brgy. Sta. Lourdes, 300 na metro mula sa barangay road kung saan bumababa at sumasakay ng multicab si Jovelyn.

Ayon kay Iquin, hindi pa tiyak ng PPCPO kung kailan lalabas ang resulta ng DNA test.

Hiningian din ng Palawan News ng reaksyon si Iquin tungkol sa kaliwa’t kanang pambabatikos na natatanggap ng mga pulis, lalo na sa social media, at ayon sa kanya, normal na sa kanila ang ganito.

Ganoon pa man, kanyang siniguro na ginagawa ng kanilang hanay ang lahat upang maresolba na ang missing person case.


ADVERTISEMENT


#AHealingPlace – Drive Thru and Home Service Laboratory for easy and hassle free laboratory services! Only at Adventist Hospital Palawan.

Call Us!
0968-571-9928
0915-788-8863

#AHealingPlace

#AdventistClinic

#AdventistHospitalPalawan

#AdventistDialysisCenterBrookesPoint

Home of Love, Joy and Happiness

About Post Author

Previous articleZubiri pushes SIM registration bill after extortionists’ arrest
Next articleMga people’s organization sa Aborlan at Sofronio Española, pinagkalooban ng tulong pangkabuhayan
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.