Mula sa kanan Mike Escote of Philippine Information Agency (PIA); P/Lt. Col. Lorence Bataller, PPPO head of operations and P/Maj. Ric Ramos, PPPO spokesperson

Upang matiyak ang ligtas at mapayapa na halalan sa darating na Mayo 9 sa Palawan, isa sa mahigpit na sisiguruhin ng Philippine National Police (PNP) ay ang iwasan ang karahasan.

Ito ang tinuran ni P/Lt. Col. Lorence Bataller, ang hepe ng Provincial Operations and Management Unit (POMU) ng Police Provincial Office (PPO), sa Kapihan ng Philippine Information Agency (PIA) kahapon, Enero 19, sa SM City Puerto Princesa.

Ayon kay Bataller, bukod sa sila ay handang-handa na sa isasagawang lokal na eleksyon, nakatutok din sila sa pagsisiguro na hindi magkakaroon ng mga gun for hire sa anumang munisipyo sa lalawigan.

“Ang iniiwasan natin unang-una, ay ang pagkakaroon ng gun for hire dahil alam na natin ang kasunod noon, pwedeng may mamatay,” ani Bataller.

Aniya, alerto na ang PPO sa anumang banta, kasama na ang seguridad ng mga kandidato.

Subalit nilinaw din niya na wala silang nakakalap na mga impormasyon tungkol sa mga threats o banta sa mga tumatakbong kandidato sa lalawigan.

“Wala rin namang naitatalang mga threat sa mga candidate sa ngayon,” dagdag niya.

Bagama’t wala pang naitatalang anumang krimen na may kaugnayan sa halalan sa ngayon, at mula nang ipinatupad ang election gun ban noong Enero 9, ay tuloy-tuloy ang pagiging mapagmatyag ng pulisya para sa ligtas at mapayapang halalan ngayong taon.

Kaugnay naman ng umiiral na gun ban, nagpaalala rin si Bataller na kailangang tumalima ang publiko sa mga batas na ipinapatupad lalo na sa mga checkpoint sa iba’t ibang munisipyo sa lalawigan.

Lahat ng munisipyo, ayon pa sa kanya, ay mahigpit nilang binabantayan at sa ngayon ay wala pa silang naituturing na hotspot o area of concern.

“Wala naman sa Palawan, pero binabantayan natin para hindi magkaroon, para maiwasan ang mga election related violence,” ani Bataller. (with reports from Aira Genesa Magdayao)

About Post Author

Previous articleGov’t institutionalizes measures vs. real estate scammers
Next articleCity IMT ‘almost sure’ Omicron variant is behind new COVID surge
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.