Ang paglahok ng Taytay SBU sa tree planting sa Coron (Larawan mula sa 2nd SOU-MG)

Nagsagawa ng tree planting ang mga miyembro ng 2nd Special Operations Unit-Maritime Group (2nd SOU-MG) mula sa Coron detachment at Taytay Special Boat Unit (Taytay SBU), sa Sitio Pali, Barangay Poblacion 6 sa bayan ng Coron noong araw ng Sabado, Nobyembre 6.

Mahigit 300 puno ng Narra ang itinanim ng grupo sa nasabing aktibidad na pinangasiwaan ng Coron-Community Environment and Natural Resources Office (CENRO), at nilahukan din ng mga volunteers at residente ng barangay.

Ayon kay P/Lt. Anna Viola Abenojar, Police Community Relations Officer ng 2nd SOU-MG, ang kanilang paglahok sa aktibidad ay bilang bahagi ng kanilang pagsuporta sa pangangalaga sa kalikasan ng bayan.

“The 2nd SOU-MG is grateful to our CENRO-Coron partners for allowing us to put forth our best effort in participating in the said tree-planting activity,” pahayag ni Abenojar, Nobyembre 11.

“This will also help to raise awareness and encourage the community that now is the time to save our planet earth,” dagdag niya.

Samantala, iniyahag din ni Abenojar na marami pang environmental activities ang nakatakda nilang gagawin bago magtapos ang taon upang mas mapaigting ang pangangalaga sa kalikasan habang nahaharap sa hamon ng pandemya dulot ng COVID-19.

About Post Author

Previous articleDBP prexy hailed as Outstanding CEO by international finance body
Next articleThree provincial government medical scholars pass licensure exams
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.