BROOKE’S POINT, Palawan — Bumaba na sa walo ang bilang ng nag-positibo sa COVID-19 sa bayan ng Brooke’s Point, ayon sa Municipal Inter Agency Task Force (MIATF) on COVID sa kanilang official bulletin, ala singko ng hapon noong Huwebes, Abril 22.

Mula sa 15 COVID-19 patients noong Abril 21 ay bumaba sa walo ang pasyente matapos na gumaling ang pito na nagmula sa isang pamilyang nag-positibo.

Sa kasalukuyan, maliban sa walong pasyente ay may kabuuang 127 suspect at tatlong probable cases ang tinututukan ng MIATF.

Samantala, bagama’t bumaba na ang bilang ng mga nag-positibo sa COVID-19 ay pinapaalalahanan pa rin ni Mayor Mary Jean Feliciano ang mga kababayan nito na huwag maging kampante at patuloy na maging disiplinado sa sarili at maging masunurin sa ipinapatupad na health protocols ng MIATF at lokal na pamahalaan upang tuluyan nang masugpo ang sakit na COVID.

“Dapat huwag tayong makampante,  panatilihing magkaroon ng self-discipline at sundin ang mga health protocols na ipinapatupad,” pahayag ni Feliciano.

- Advertisement -

Sa ngayon ay patuloy pa rin MIATF sa pagsasagawa ng contact tracing sa mga nakasalamuha ng mga pasyenteng nagpositibo.

Previous articleAgutaya pansamantalang hindi tatanggap ng mga biyahero
Next articleCapitol implements 30 percent work arrangement
is the correspondent of Palawan News in Brooke's Point, Palawan. She covers politics, health, government policies, tourism, and sports. Her interests are exploring different places, singing, gardening, reading bible and eating.