Pitong bahay ang nasunog pasado alas dos ng hapon noong Huwebes sa Purok Fisherman Village, Barangay Sta. Monica.
Walang naisalbang mga gamit ang mga pamilyang nasunugan matapos maabo ang kanilang mga bahay sa nangyaring sunog.
Ayon sa mga nakasaksi, dikit-dikit ang mga bahay kaya’t madaling kumalat ang apoy.
Sa ibinigay namang impormasyon ni City Fire Marshal Chief Inspector Nilo Caabay, naitawag ang insidente sa kanilang istasyon bandang 2:20 ng hapon.
Idineklara nila na fire under control naman bandang 2:44 at tuluyang naapula ang sunog 3:30 ng hapon.
Dagdag pa ni Caabay patuloy pa rin ang kanilang imbestigasyon upang malaman ang sanhi ng sunog.

About Post Author

Previous articleCity anti-squatting task force demolishes structures along PSU Road
Next articleNIA PIMO conducts dry run on newly-installed irrigation pipes in Lucbuan
Jayra Joyce Cañete Taboada handles the law and order and the science and education beats. She is also a licensed professional teacher.