Larawan mula kay Derwin Gregas

SOFRONIO ESPAÑOLA, Palawan — Sa gitna ng pandemya, matagumpay pa ring naidaos ang selebrasyon ng kapiyestahan ng Sofronio Española para sa mga parokyanong katoliko ni Sto. Niño noong araw ng Linggo, January 17.

Sa panayam ng Palawan News kay Rev. Father Edwin Cayabo, ang kura paroko ng Sto. Niño Parish Church, katulad din ito ng selebrasyon sa iba-ibang parokya sa buong bansa na kailangang maiparamdam pa rin ang pista ni Sto. Niño kahit nasa gitna ng COVID-19.

Ayon kay Fr. Cayabo,  hindi katulad noong nakalipas na taon na may paligsahan pa para sa ati-atihan ang selebrasyon. Ngayon ay hindi na ito isinagawa pa kundi mga novena mass na lang ang isinagawa ng simbahan simula nooong January 8 hanggang sa mismong araw ng kapiyestahan.

 

Larawan mula kay Derwin Gregas

“Unlike noon we have ati-atihan contest pero ngayon wala na talaga, may mga youth pa rin ng simbahan na nag-alay ng ati-atihan dance para maramdaman pa rin ng mga parokyano at mga novena mass bago ang araw ng Sto Niño,” sabi ni Fr. Cayabo noong Lunes, January 18.

Ang pista ni Sto. Niño ay nagsimula sa isang misa na sinundan ng maiksing programa, procession, at pag-alay ng ati-atihan dance ng Sto. Niño Youth Ministry.

Kasabay din nito ang blessing para sa proyekto ng Sto. Niño Parish Church sa kanilang covered court na pinagtulungang maitayo at mapondohan ng mga parokyano.

“Sana patuloy na gabayan tayo ng Poong Maykapal at ang kapiyestahan ni Sto. Niño ay magbigay ng pag-asa sa mga parokyano sa ating bayan,” sabi niya.

 

 

Previous articleDAR to distribute portions of YKR to qualified beneficiaries
Next articlePalawan’s top Queen upsets strong grandmaster
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.