(Photo courtesy of Richard Ligad)

Isang lalaking pintor ang naaresto ng mga awtoridad matapos mabilhan ng hinihinalang shabu sa Dimalanta Road, Barangay Sicsican, Biyernes ng hapon.

Kinilala ni Anti-Crime Task Force (ACTF) chief Richard Ligad ang suspek na si Hector Macmac Macaranas, 30, at residente ng Pardeco, Barangay Bancao-Bancao.

Ayon kay Ligad, nabilhan si Macaranas ng isang sachet ng hinihinalang shabu sa halagang P1,000.

Kinokonsidera naman nila itong Street Level Individual/Pusher.

Ang operasyon ay ikinasa ng pinagsamang puwersa ng City Drug Enforcement Unit (CDEU) at Anti-Crime Task Force.

Nahaharap naman sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang nasabing suspek.