Map of San Vicente from Google Maps

SAN VICENTE, Palawan – Umabot na sa halagang P836,955,416 ang iniwanang pinsala ng bagyong Odette sa sektor ng agrikultura sa bayan ng San Vicente ayon sa pinakahuling ulat ng Municipal Agriculture office (MAO), araw ng Meyerkules, January 11.

Pinakamalaking napinsala ang natamo ng mga pananim na umabot sa halagang P807,969,696. Kabilang dito ang mga lupaing taniman ng palay, niyog, saging, kasoy, calamansi, citrus, mandarin, mangosteen, rambutan, lanzones, abokado, kape, durian, dragon fruits, langka, marang, guyabano, at root crops tulad ng kamote at ibapang gulay,

Umabot naman sa halagang 24,207,450 tinatayang pinsala sa bahagi ng pangisdaan kung saan, 444 bangka ang nasira at 13 naman ang mga iba pang kagamitan gaya ng lambat, hook and line at accessories, fishtrap, baklad, fish cage, fish pond, at mga makina.

Ang livestock at poultry naman ay nagtamo rin ng danyos na nagkakahalaga ng P2,055,650, samantalang P2,722,620.00 naman ang napinsala sa agricultural facilities.

“Ang sa agricultural crops talaga ang pinakamataas naapektuhan at nasira. Pero marami naman tayong assistance per community, for example sa crops may mga assistance naman tayong pwede i-recommend to provide campaign materials, tapos mga inputs, other than immediate na responce kagaya ng food packs” pahayag ni Rufino Clavecilla, Municipal Agriculture officer.

“Ina-anticipate din natin yan pati sa fishery, mga farm inputs, tulad ng mga fertilizer, seeds, planting materials. Tapos sa fisheries naman, tinitingnan naman ang assistance para maayos ang kanilang mga bangka, mga labor assistance, or mga materyales para maka recover kaagad,” dagdag niya.

Ayon pa sa hepe ng agrikultura sa bayan, pinag-aaralan din nila ang pwedeng gawing dispersal program para sa sa livestock and poutry.

“Isa sa tinitingnan natin ay dispersal program and at the same time ay ma-improve din ang mga stocks. Sa facilities naman ay tinitingnan natin especially yang sa mga warehouse natin kung pu-pwede magkaroon ng labor assistance para ma-repair, mga nasira nilang warehouse, dam, at mga irrigation na nasira. Community din ang gagawa doon while inaayos nila ang kanilang mga structure, at the same time ay mayroon din silang pinagkukunan ng pang-araw-araw nilang pangangailangan.” paliwanag ni Clavecilla.

Inihayag din niya na na ito ang pinakamalalang problema na na-encounter niya mula ng umupo siya bilang MAO, ngunit kailangan lang maging handa palagi.

“Pero bago pa dumating ang bagyo, submissive naman tayo na mangyayari yun kasi may mga bagay talaga na very prone to damage. Bago pa nangyari ang bagyo ay parang nakikita na agad natin kung ano at pwedeng posibleng mangyari at kung papaano natin tutugunan ang magiging damages nya,” ani Clavecilla.

“Ire-recommend natin sa punong ehekutibo natin na subject for legislative support na, pero pupunta pa kami sa ground after na ma-process namin lahat ng mga data” dagdag pa niya.

Sinabi rin ni Clavecilla na sa huling araw ng susunod na linggo ay may final na recommendation na ang kanilang tanggapan na ipi-presenta sa punong ehikutibo para kanilang mga gagawing hakbang at pagbibigay tulong sa mga magsasaka at mangingisdang nasalanta ng bagyong Odette

“Next week may mga personnel tayo na magfi-field to assist and evaluate, tapos para makapagsimula na tayo. At the end of the week, mayroon na kaming recommendation. Actually may initial recommendation na rin tayo ngayon pero need to concretize this recommendation para ipaabot natin sa ating local chief executive. Kailangan talaga i-validate sa ground para yung binibigay nating data sa kanya ay more or less naman accurate at ang figures ay tama,” aniya.

Previous articleBataraza to start cultural mapping and development by May
Next articlePartly cloudy to cloudy skies with a chance of light rains over Palawan due to ‘amihan’
is the correspondent of Palawan News in San Vicente, Palawan. He also covers politics, government policies, tourism, health and sports. His has interest in travelling and exploring different places and food.