Sa darating na Agosto 5 na ang magiging selebrasyon ng Pista Y’ Ang Cuyonon na naglalayon na kilalanin ang kulturang Cuyonon at siguruhin na ito ay maprepreserba para sa mga susunod na henerasyon.

Ang pag-anunsyo ng itinakdang araw ng selebrasyon ay isinagawa ng mga tanggapan nila Vice Mayor Maria Nancy Socrates, City Tourism Department (CTD), at ng Cuyonon Council.

Tampok sa magaganap na Pista Y’ Ang Cuyonon ang iba-ibang patimpalak na puwedeng salihan ng mga residente, tulad ng Cuyonon Vlog Contest, Pinondo-Pondo Dance Contest, Birso Contest, and the Kaansianuan Nga Mga Ati Contest.

Matatandaan na si Vice Mayor Socrates ang nag-akda ng City Ordinance No. 934 na nagdedeklara sa unang linggo ng Agosto bilang “Cuyunon Cultural Week”.

Para sa vlogging contest, narito ang mga panuntunan na dapat sundin ng mga gustong sumali:

***PANUNTUNAN SA CUYONON VLOG CONTEST:

  1. Ang patimpalak ay bukas sa lahat ng residente ng Lungsod ng Puerto Princesa.
  2. Ang mga kalahok ay kinakailangang magdala ng patunay ng kanilang edad at patunay na residente ng Lungsod sa araw ng pagpapatala (Birth Certificate/ Barangay Certificate.)
  3. Diyalektong Cuyonon ang gagamitin sa patimpalak at kinakailangang may salin (subtitle) sa wikang Ingles.
  4. Ang paksa sa Vlog ay tungkol sa mga katutubong kulturang Cuyonon.
  5. Ang bawat pangkat na kalahok ay may 3-5 minutong paglalahad/presentasyon.
  6. Ang pagpapatala at pagsusumite ng inyong lahok (entry) ay sa pamamagitan ng google form na makikita sa Puerto Princesa Tourism Fan Page at ang huling araw ng pagsusumite ng lahok ay sa Hulyo 20, 2022.

Entry Form:
https://docs.google.com/…/1FAIpQLSe7xJ8eY…/viewform…

  1. Ang pre-judging ng mga lahok ay gagawin sa Hulyo 29, 2022 sa ganap na ika-2:00 ng hapon.
  2. Ang presentasyon ng mga lahok ay gagawin sa Liwasang Mendoza sa Agosto 5, 2022 ganap na ika- 2:00 ng hapon.
  3. Ipinagbabawal ang mga di-kanais-nais na pananalita, kilos o galaw na di angkop sa konsepto ng patimpalak.
  4. Ang paglabag sa mga nabanggit na pamantayan ay hindi mabibigyan ng pagkakataong magwagi (disqualified) sa patimpalak ngunit bibigyan ng pagkakataong magpamalas.
  5. Ang hatol ng Lupon ng Inampalan na binuo ng tatlong (3) kasapi ay pinal at hindi mapasusubalian.

𝗕𝗔𝗧𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗕𝗜𝗕𝗜𝗚𝗔𝗬 𝗡𝗚 𝗛𝗔𝗧𝗢𝗟/𝗠𝗔𝗥𝗞𝗔 (𝗩𝗟𝗢𝗚 𝗖𝗢𝗡𝗧𝗘𝗦𝗧)

  • Pagkamalikhain (Originalidad) — 𝟑𝟎%
  • Kaangkupan ng Paksa (Kulturang Cuyonon — 𝟰𝟓%
  • Bigkas (linaw at wastong bigkas, lakas ng boses, tono, at intonasyon) — 𝟏𝟓%
  • Pagganap/Kahusayan/Kasanayan (Pagkasunod-sunod, Tyempo at Sigla) — 𝟏𝟎%
  • Kabuuan — 𝟏𝟎𝟎%

***PANUNTUNAN SA PINONDO-PONDO DANCE CONTEST:

  1. Ang patimpalak ay bukas sa lahat.
  2. Ito ay may dalawang kategorya:
  • May edad na 18-25 taong gulang
  • May edad na 26-59 taong gulang.
  1. Ang mga kalahok ay kinakailangang magdala ng patunay ng kanilang edad at patunay na residente ng Lungsod sa araw ng pagpapatala (Birth Certificate/ Barangay Certificate.)
  2. Ang bawat kalahok ay binubuo ng isang paris (isang lalaki at isang babae).
  3. Ang musika/tugtog ay manggagaling sa Tangapan ng Turismo. Mangyaring magdala ng sariling flashdrive ang bawat kalahok at makipagugnayan o hanapin si Gng. Rosemarie Austria ng Tanggapan ng Turismo. Mobile No. 0917 891 9504. Maaring kumuha ng sipi ng musika/tugtog mula Hulyo 5-15, 2022.
  4. Kinakailangang magpatala nang personal o sa pamamagitan ng email ang mga kalahok simula Hulyo 5-15, 2022 kay Rosemarie Austria ng Tanggapan ng Turismo. Mobile No. 0917 891 9504. Email Address: ppctopromotions@gmail.com.
  5. Ang patimpalak ay gaganapin sa Liwasang Mendoza sa Agosto 5, 2022 sa ganap na ika-4:00 -6:00 ng hapon.
  6. Ang kasuotan ay angkop sa konseptong katutubong sayaw na Pondo-Pondo at sa tema ng pagdiriwang ng Pista Y’ Ang Cuyonon.
  7. Ang mga kalahok ay inaasahang dumating 30 minuto bago ang simula ng patimpalak.
  8. Ang paglabag sa mga nabanggit na pamantayan ay hindi mabibigyan ng pagkakataong magwagi (disqualified) sa patimpalak ngunit bibigyan ng pagkakataong magpamalas.
  9. Ang hatol ng Lupon ng Inampalan na binuo ng tatlong kasapi ay pinal at hindi mapasusubalian.

𝗕𝗔𝗧𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗕𝗜𝗕𝗜𝗚𝗔𝗬 𝗡𝗚 𝗛𝗔𝗧𝗢𝗟/ 𝗠𝗔𝗥𝗞𝗔 (𝗦𝗔𝗬𝗔𝗪 𝗡𝗔 𝗣𝗢𝗡𝗗𝗢-𝗣𝗢𝗡𝗗𝗢)

  • Koreograpiya (Orihinalidad, Pagkasunod-sunod, ng kilos, Interpretasyon at ekspresyon ng mukha) — 𝟑𝟓%
  • Pagganap/ Kahusayan/Kasanayan (Indayog, Tyempo at Sigla) — 𝟑𝟓%
  • Kasuotan (Ayon sa konsepto ng pagdiriwang) — 𝟮𝟎%
  • Dating sa manonood (Hikayat at Kaaliwan sa Madla) –𝟏𝟎%
  • Kabuuan — 𝟏𝟎𝟎%

***PANUNTUNAN SA BIRSO CONTEST:

  1. Ang patimpalak ay bukas sa lahat na may edad 40 taong gulang pataas.
  2. Ang mga kalahok ay kinakailangang magdala ng patunay ng kanilang edad at patunay na residente ng Lungsod sa araw ng pagpapatala (Birth Certificate/ Barangay Certificate.)
  3. Ang diyalektong Cuyonon ang gagamitin sa patimpalak at mga birsong Cuyonon.
  4. Ang bawat kalahok ay binubuo ng isang pares.
  5. Ang bawat kalahok ay mayroon lamang labin-dalawang (12) birsong ilalahad/presentasyon.
    6.Ang kasuotan ay angkop sa pagdiriwang ng Cuyonon Festival.
  6. Kinakailangang magpatala nang personal o sa pamamagitan ng email ang mga kalahok simula Hulyo 5-15, 2022 kay Gng. Lalaine B. Gualin ng Tanggapan ng Turismo. Mobile No. 0917 139 4811. Email Address: ppctourismstats@gmail.com.
  7. Ang patimpalak ay gaganapin sa Liwasang Mendoza sa Agosto 5, 2022 sa ganap na ika-4:00 – 6:00 ng hapon.
  8. Ang mga kalahok ay kinakailangang dumating nang 30 minuto bago ang simula ng patimpalak.
  9. Ang paglabag sa mga nabanggit na pamantayan ay hindi mabibigyan ng pagkakataong magwagi (disqualified) sa patimpalak ngunit bibigyan ng pagkakataong magpamalas.
  10. Ang hatol ng Lupon ng Inampalan na binuo ng tatlong kasapi ay pinal at hindi mapasusubalian.

𝗕𝗔𝗧𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗕𝗜𝗕𝗜𝗚𝗔𝗬 𝗡𝗚 𝗛𝗔𝗧𝗢𝗟/ 𝗠𝗔𝗥𝗞𝗔 (𝗕𝗜𝗥𝗦𝗢)

  • Bigkas (Linaw at Wastong Bigkas, Lakasng boses, Tono, at Intonasyon) — 𝟑𝟓%
  • Pagganap/ Kahusayan/Kasanayan (Pagkasunod-sunod, Kilos o Galaw, Tindig, Tyempo at Sigla) — 𝟰𝟓%
  • Kasuotan (Ayon sa konsepto ng pagdiriwang — 𝟏𝟎%
  • Dating sa manonood (Hikayat at Kaaliwan sa Madla) –𝟏𝟎%
  • Kabuuan — 𝟏𝟎𝟎%

***PANUNTUNAN SA KAANSIANUAN NG MGA ATI:

  1. Ang patimpalak ay bukas sa lahat na may edad 18 taong gulang pataas.
  2. Ang mga kalahok ay kinakailangang magdala ng patunay ng kanilang edad at patunay na residente ng Lungsod sa araw ng pagpapatala (Birth Certificate/ Barangay Certificate.)
  3. Ang bawat kalahok na pangkat ay binubuo ng 15-20 partisipante.
  4. Ang bawat kalahok na pangkat ay may 3-5 minutong presentasyon sa Liwasang Mendoza, Lungsod ng Puerto Princesa.
  5. Ang kasuotan ay kinakailangang angkop sa pagdiriwang ng Pista Y’ Ang Cuyonon.
  6. Ang mga kalahok ay malayang pumili ng kanilang musika/tugtog na maaaring recorded o aktwal na bandang musiko.
  7. Kailangang taglay ang katangian ng Ati at Alakayo.
  8. Ang bawat kalahok na pangkat ay maaring magkaroon ng 1 o 2 Alakayo.
  9. Mula sa mga partisipante ay pipili ang Lupon ng Inampalan ng pinakamahusay na Alakayo.
  10. Kinakailangang magpatala nang personal o sa pamamagitan ng email ang mga kalahok simula Hulyo 5-15, 2022 kay Rosemarie Austria ng Tanggapan ng Turismo. Mobile No. 0917 891 9504. Email Address: ppctopromotions@gmail.com.
  11. Ang patimpalak ay gaganapin sa Liwasang Mendoza sa Agosto 5, 2022 sa ganap na ika-8:00 ng umaga.
  12. Ang mga kalahok ay kinakailangang dumating nang 30 minuto bago ang simula ng patimpalak.
  13. Ang paglabag sa mga nabanggit na pamantayan ay hindi mabibigyan ng pagkakataong magwagi (disqualified) sa patimpalak ngunit bibigyan ng pagkakataong magpamalas.
  14. Ang hatol ng Lupon ng Inampalan na binuo ng tatlong kasapi ay pinal at hindi mapasusubalian.

𝗕𝗔𝗧𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗕𝗜𝗕𝗜𝗚𝗔𝗬 𝗡𝗚 𝗛𝗔𝗧𝗢𝗟/ 𝗠𝗔𝗥𝗞𝗔 (𝗞𝗔𝗔𝗡𝗦𝗜𝗔𝗡𝗨𝗔𝗡 𝗡𝗚𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗔𝗧𝗜)

  • Koreograpiya (Orihinalidad at Pagkamalikhain, Kaangkupan ng Kilos, Pagkasabay-sabay, Ekspresyon ng mukha, Koordinasyon) — 𝟑𝟓%
  • Pagganap/Kahusayan/Kasanayan (Indayog, Tyempo at Sigla) — 𝟑𝟎%
  • Kagamitan, Props at Kasuotan (Ayon sa Konsepto ng Pagdiriwang) — 𝟑𝟎%
  • Dating sa Manonood (Hikayat at Kaaliwan sa Madla) — 𝟓%
  • Kabuuan –𝟏𝟎𝟎%
Previous articleSecret Lagoon in El Nido, among “Top 50 Best Beaches in the World” this year
Next article[UPDATED] Araceli teen dies of electrocution while playing basketball