SAN VICENTE, Palawan — Nagtala ng 44 bagong kaso ng COVID-19 ang bayang ito, ayon sa pinaka bagong ulat ng Municipal Health Office (MHO).

Sa kabuuang bilang, 23 ang nag-positibo sa RT PCR test at 13 sa kanila ay mula sa Barangay New Agutaya, apat sa Brgy. Alimanguan, tatlo sa Brgy. Port Barton, at tag-isa sa Brgy. Caruray at sa Poblacion.

Samantala, ang 21 naman ay nag-positibo sa rapid antigen test na kinabibilangan ng tatlo galing New Agutaya, 12 mula sa Poblacion, dalawa sa Port Barton, dalawa sa Alimanguan, at tag-iisa sa San Isidro at Sto. Nino.

- Advertisement -

Sa 44 na bagong kasong naitala isa dito ay admitted sa hospital, 37 ang may mild symptoms, at dalawa ang walang sintomas.

Mayroon ding 81 na suspect cases o mga first degree contact ngunit ang kanilang antigen results ay negatibo sa COVID-19.

Previous articleNarra District Jail nagtanim ng Langka sa Sandoval Elementary School
Next articlePAGASA monitoring new LPA outside PAR
is the correspondent of Palawan News in San Vicente, Palawan. He also covers politics, government policies, tourism, health and sports. His has interest in travelling and exploring different places and food.