Ang suspek na nahuli sa Barangay Abo-Abo sa bayan ng Sofronio Española

Nadakip ng operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang pinaghihinalaang tulak ng iligal na droga sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Abo-Abo sa bayan ng Sofronio Española nitong Huwebes ng gabi, Mayo 27.

Ang suspek ay kinilalang si Teddy Pactao, 48 taong gulang, at residente ng Brgy. Pulot shore. Siya ay nasa Top 9 sa consolidated target list ng PDEA.

Nakuha sa suspek ang limang gramo ng pinaghihinalaang shabu, P5,000 buy-bust money, at P60,000 na pera na nakasilid sa kaha ng sigarilyo.

- Advertisement -

Ayon sa PDEA, matagal na nilang minamanmanan ang suspek na napag-alamang karamihan sa kanyang mga naging kliyente ay nakakulong na.

Ayon kay Agent Rocky ng PDEA, plano pa sana nilang mag-apply ng search warrant upang mahalughog ang bahay na tinutuluyan nito dahil sa natanggap nilang impormasyon na marami itong itinatagong iligal na droga subalit dahil kapos na sa oras ay nagsagawa na lang sila ng buy-bust operation.

“Medyo na late lang ang tawag ng asset natin kaya nabitawan niya na sa sinusuplayan niya ang malaking droga,” pahayag ni Agent Rocky, na ang buong pangalan ay hindi puwedeng ihayag.

“Ang sistema niya ay kukuha siya ng drugs sa source saka ibabagsak sa puerto. May mga tao siya dito sa Puerto, tapos iba rin ang ibabagsak niya sa lugar niya sa Española,” dagdag niya.

Dagdag pa ng PDEA, iba-iba ang source na pinagkukunan ni Pactao ng droga dahil malakihan ang transaksyon nito.

Si Pactao ay nakatakda ngayong sampahan ng kasong paglabag sa section 5 at 11 ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs act of 2002.

Previous articleNo approval yet of MECQ implementation in Puerto Princesa City
Next articleBayan ng Roxas nagtala ng 19 bagong kaso ng COVID-19
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.