Inaresto ng mga awtoridad noong Miyerkules ng gabi ang 62 taong gulang na si William Clark sa Brgy. San Pedro dahil sa hinalang nagtutulak ito ng ilegal na droga.

Nakuhanan si Clark, na sinasabing newly-identified street level individual (SLI), ng isang sachet ng pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga ng P2,000.

Ang halaga ay siya rin umanong buy-busy money.

Nangyari ang pag-aresto sa kanya bandang 7:30 p.m. sa Libis Road sa naturang barangay matapos magkasa ng buy-bust operation ang City Police Drug Enforcement Unit (CPDEU), Provincial DEU, Anti Crime Task Force (ACTF).

About Post Author

Previous articleMarine units help rescue nearly 2K families from Palawan floods
Next articleLGU Brooke’s Point nagsagawa ng assessment sa kinaharap na pagbaha