Isang lalaki ang nadakip ng mga operatiba ng Narra Municipal Police Station (MPS) katuwang ang Maritime Police 2nd Special Operations Unit- Maritime Group (2nd SOU-MG), sa isang buy-bust operation sa Purok Magkaisa, Barangay Sandoval sa bayan ng Narra noong Lunes ng gabi, Marso 29.

Kinilala ang suspek na si Turibio Gonzales,  35, residente ng Purok Sandiwa, Brgy. Tiniguiban, Puerto Princesa City. Nakuha sa kanya ang 12 sachet ng pinaghihinalaang shabu.

Sa ulat ng 2nd SOU-MG , nabilihan ng isang sachet ng pinaghihinalaang shabu ang suspek, bago ito hinuli bago nakuha ang 11 iba pang sachet ng pinaghihinalaang droga na navkakahalaga ng P6,500, 1 isang pinatuyong dahon ng marijuana at P500 na nakaipit sa kaha ng sigarilyo.

Ang suspek ay nakatakda na ngayong sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

- Advertisement -

Previous articleLPA appears near Mindanao
Next articleClear skies over Julian Felipe Reef, as China challenges presence of AFP plane carrying journalists