Image from PSU Sofronio Española Facebook page/ File photo

SOFRONIO ESPAÑOLA, Palawan — Idadaan sa “actual phone interview” ng Palawan State University (PSU) external campus sa bayan na ito ang gagawin nilang pre-assessment sa mga incoming freshmen enrollees para sa Class 2020-2021.

Ayon kay PSU campus director Sandra Manzul, araw ng Linggo, actual phone interview ang kanilang gagawin para sa mga estudyante na mag-e-enroll sa mga kursong Bachelor of Elementary Education (BEED) at Bachelor of Science in Agriculture.

“Iniiwasan natin ang pagdagsa ng mga estudyante sa eskwelahan. Nag-iingat lang naman tayo at noong mga nakaraang buwan, nagsimula na rin ang ating online enrollment, admission, at ang assessment para sa dalawang kurso na ito — gagawin na lang talaga through phone call,” sabi ni Manzul.

Ayon sa kanya, kailangang maisailalim ang mga incoming freshmen sa assessment para sa dalawang kurso.

Itatanong sa kanila kung gaano sila kaseryoso sa kukunin na kurso dahil meron itong maintaining grade at board examination.

“Need talaga nating malaman kung gaano sila ka-seryoso at requirement talaga ang pre-assessment at doon din natin makikita kung sila ay deserving sa kanilang kinukuha na kurso,” dagdag niya.

Nakatakda na ngayong Lunes, July 27, ang gagawing phone interview sa 40 incoming freshmen na kukuha ng kursong BEED at 25 naman sa mag-e-enroll sa BS in Agriculture.

Ayon kay Manzul pagkatapos na maisalalim sila sa phone interview bilang assessment ng mga incoming freshmen puwede na silang mag-enroll sa August 3 sa Facebook page na inihanda ng PSU Sofronio Española o mag-walk in enrollee.

 

About Post Author

Previous articleKatawan ng babaeng sanggol, natagpuan sa Brgy. Tiniguiban
Next articleGSIS opens online application for 4K retiree and survivorship pensioners
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.