In line with the Department of Health’s (DOH) Chikiting Ligtas Campaign for its Supplemental Immunization Activity (SIA) program this May, the Provincial Health Office (PHO) of Palawan will launch the campaign in the towns of Bataraza and Rizal on Tuesday, May 2.
Through SIA, children aged 0 to 59 months old (below 5 years old) will be given vaccinations against polio, rubella, and measles.
Meyric Garces, Nurse III, and planning officer of PHO said the program is one of the campaigns of the health sector to boost the immunity of kids against common diseases.
“We do this every five years to ensure the effectiveness of the vaccines and to make sure that kids receive necessary vaccines,” Garces told Palawan News in an interview.
He said vaccines have already arrived last week except for OPV (oral poliovirus vaccine) due to a limitation of supply for the whole country.
“For Palawan, we have only identified Roxas to be the priority area for OPV. Kasi Nakita natin na mataas ang kaso doon, but the rest of the municipalities will be given M-R (measles and rubella) vaccines.
Garces added that PHO targets to immunize around 200,000 kids in the province during the month-long campaign.
He further explained that the Philippines is now in the stage of eliminating measles and polio cases through the SIA campaign.
“Last year, Palawan had six confirmed cases of measles due to incomplete vaccination of kids. For polio, the last time we had a registered case was in the year 2007 in Mangsee, Balabac,” Garces said.
He also stated that DOH gives extra attention to Palawan for being one of the identified bridges of transmission, especially for polio cases from Malaysia and Indonesia “because we have open barter trade with these areas.”
Furthermore, Garces stated that they have encountered problems with parents hesitating to have their kids immunized, especially with the onset of COVID-19.
“It’s hard to explain to them that the vaccine is for the protection of their kids against primary diseases in their community,” he said.
Meanwhile, Dr. Matthew Medrano, Medical Officer IV of DOH MIMAROPA said the region has a low turnout of routine immunization in the year 2022.
“In MIMAROPA, last year, fully-immunized child is only 51.36 percent only. And for Palawan, it is 49.79 percent only,” Medrano said.
“Nationwide, we only had less than 60 percent and one of the reasons is the pandemic,” he added.
BASAHIN SA WIKANG PILIPINO
PHO maglulunsad ng regular na pagbabakuna sa Rizal at Bataraza
Alinsunod sa Chikiting Ligtas Campaign ng Department of Health (DOH) para sa kanilang programang Supplemental Immunization Activity (SIA) ngayong buwan, maglulunsad ang Provincial Health Office (PHO) ng Palawan ng kampanya sa mga bayan ng Bataraza at Rizal sa Martes, Mayo 2.
Sa pamamagitan ng SIA, bibigyan ng bakuna ang mga bata na may edad 0 hanggang 59 buwan (hindi lalampas sa 5 taong gulang) laban sa polio, rubella, at tigdas.
Ayon kay Meyric Garces, Nurse III at planning officer ng PHO, ang programang ito ay isa sa mga kampanya ng sektor ng kalusugan upang mapabuti ang kalagayan ng mga bata laban sa karaniwang sakit.
“Ginagawa namin ito kada limang taon upang matiyak ang kahusayan ng mga bakuna at siguruhin na makatanggap ang mga bata ng kinakailangang bakuna,” sabi ni Garces sa Palawan News sa isang panayam.
Sinabi niya na dumating na ang mga bakuna noong nakaraang linggo maliban sa OPV (oral poliovirus vaccine) dahil sa limitasyon ng suplay para sa buong bansa.
“Para sa Palawan, nakikita lamang natin ang Roxas bilang prayoridad na lugar para sa OPV. Dahil nakita natin na mataas ang kaso doon, ngunit ang natitirang mga bayan ay bibigyan ng M-R (measles at rubella) bakuna,” pahayag pa ni Garces.
Idinagdag ni Garces na target ng PHO na mabakunahan ang 200,000 na mga bata sa lalawigan sa loob ng isang buwan ng kampanya.
Ipinaliwanag pa niya na nasa yugto na ang Pilipinas sa pagtanggal ng mga kaso ng tigdas at polio sa pamamagitan ng SIA campaign.
“Noong nakaraang taon, mayroon tayong anim na kumpirmadong kaso ng tigdas sa Palawan dahil sa hindi kumpletong pagbabakuna ng mga bata. Para sa polio, ang huling pagkakaroon ng rehistradong kaso ay noong taong 2007 sa Mangsee, Balabac,” sabi ni Garces.
Sinabi rin niya na binibigyan ng DOH ng karagdagang pansin ang Palawan dahil isa ito sa mga nakikilalang tulay ng transmission, lalo na para sa kaso ng polio mula sa Malaysia at Indonesia “dahil mayroon tayong bukas na barter trade sa mga lugar na ito.”
Bukod pa rito, kinuwento ni Garces na nakakaranas sila ng mga problema sa mga magulang na nag-aatubili na ipabakuna ang kanilang mga anak, lalo na sa simula ng pandemya ng COVID-19.
“Mahirap ipaliwanag sa kanila na ang bakuna ay para sa proteksyon ng kanilang mga anak laban sa pangunahing mga sakit sa kanilang komunidad,” sabi niya.
Samantala, ipinahayag ni Dr. Matthew Medrano, Medical Officer IV ng DOH MIMAROPA na mayroong mababang turnout ng routine immunization sa rehiyon noong taong 2022.
“Sa MIMAROPA, noong nakaraang taon, ang bilang ng mga bata na fully-immunized ay 51.36 porsyento lamang. At sa Palawan, ito ay 49.79 porsyento lamang,” ayon kay Medrano.
“Sa buong bansa, mas mababa pa sa 60 porsyento at isa sa mga dahilan ay ang pandemya,” dagdag niya.