Isang babaeng senior citizen ang makikita sa larawan na ito na tumatanggap ng kanyang pensyon mula sa isang kawani ng PSWDO ng pamahalaang panlalawigan. (Photo from Palawan PSWDO)

Natanggap na ng aabot sa 277 indigent senior citizens sa bayan ng Araceli at Dumaran ang kanilang pensyon para sa Hulyo hanggang buwan ng Disyembre 2020 na aabot sa kabuuang halaga na P474,000 sa ilalim ng Local Social Pension (LSP) na pinangangasiwaan ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) ng pamahalaang panlalawigan ng Palawan.

Ayon kay PSWDO officer Abigail D. Ablaña sa pamamagitan ng Provincial Information Office (PIO), sa bayan ng Dumaran ay nakatanggap ng pension ang may aabot sa 158 na senior citizen mula sa LSP fund na P237,000 noong September 20-22. Ang nakatanggap naman sa Araceli ay 119 na senior citizen mula rin sa LSP fund na P237,000 noong September 23-24.

Sa pahayag ni Ablaña, sinabi nito na sa kabila ng problema sa COVID-19 na kinakaharap ng lalawigan, patuloy silang nagkakaloob ng pension at ayuda base na rin sa direktiba ni Palawan Governor Jose Alvarez upang matulungan ang mga ito.

“Ang pagbibigay ng patuloy na ayuda para sa ating mga lolo at lola ay isang patunay na ang ating pamahalaang panlalawigan ay mapagkalinga sa mga nakatatanda”, ayon kay Ablaña.

- Advertisement -

Previous articleConstruction worker sugatan sa aksidente sa Narra dahil sa hindi napansin na langis sa kalsada
Next articleModule distribution sa mga pampublikong paaralan sa Brooke’s Point hindi pa rin nagsisimula
handles the online presence of Palawan News as its social media manager. When she has free time, she travels and writes about her adventures.