Humigit-kumulang 150 katao ang nakiisa sa isinasagawang peace summit para sa Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT) sa pangunguna ng San Vicente Municipal Police Station (MPS), sa Barangay San Isidro, San Vicente, ngayong araw ng Huwebes at magtatagal hanggang Biyernes.

Ayon kay P/Maj. Thirz Starsky Timbancaya, hepe ng San Vicente MPS, ang summit ay isinagawa upang magkaroon ng mga magbabantay sa mga barangay na hindi mabilis mapuntahan ng mga pulis.

Dagdag niya, layunin din ng nasabing aktibidad na muling isailalim ang mga BPAT sa basic training sa pagresponde sa mga sitwasyon na hindi maayos sa kanilang barangay, kabilang na ang mga isyu sa kaguluhan may kaugnayan sa pulilika ngayong papalapit na ang halalan, bilang bahagi ng kanilang tungkulin.

No description available.
File photo Bataraza MPS.

“Binuhay natin itong BPAT para makatulong, kung sakaling kulangin din ang mga personnel ng PNP, para sa pag mentina ng peace ang order sa bayan ng San Vicente. Malalayo kasi ang mga barangay dito. Hindi man agad makapag-responde ang mga pulis ay maramdaman naman ng mga taga-barangay na mayroong mga pulis sa pamamagitan ng BPAT na tinatawag din nating extension arm pagdating sa police powers,” pahayag ni Timbancaya.

- Advertisement -

“Maliban sa pagkakaroon ng police powers, at dahil appointed sila ng barangay, kung sakaling may mga sitwasyon, sila ang agad na magreresponde. Sila ang magiging force multiflier ng PNP,” dagdag niya.

Kaugnay nito, maliban sa mga naunang lumabas na umano ay harassment sa isang barangay, tiniyak ni Timbancaya na tahimik ang bayan sa ngayon bagama’t sa kabila nitoay patuloy silang naka alerto mga maaring maganap na kaguluhan kaugnay sa nalalapit na halalan.

“Tahimik sa ngayon. Pero may mga anticipation tayo na baka mayroong mga mangyari. Kasi ako personally, kinu-konsidera ko ang mga nangyari nakaraan sa Itabiak, at Brgy. New Agutaya, na bagama’t nagkaayos na sila, binabantayan pa namin na baka may mga ganitong pangyayari pa,” paliwanag ni Timbancaya.

Previous article10 presidential candidates expected to attend COMELEC-sponsored debate
Next articlePuerto Princesa brushes off report on “high positivity” rate
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.