Nanawagan ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Palawan, kasama ang Department of Labor and Employment (DOLE), sa lahat ng mga business establishment at sa pribadong sektor na gawing drug-free ang kanilang mga establisyemento para sa siguridad ng kanilang mga kliyente.

Ang panawagan ay inihayag ng PDEA Palawan at DOLE sa isinagawang paglulunsad ng Drug-Free Workplace Program sa House of Thai by Mackies at lima pang establisyemento sa Stellar Grounds sa Barangay Bancao-Bancao, nitong araw ng Huwebes, Hunyo 9.

Ayon sa PDEA, maaari silang magbigay ng seminar sa mga negosyo na mayroong mahigit sa 10 empleyado at isailalim ang mga ito sa drug test upang masiguro na walang gumagamit ng ipinagbabawal na gamot na ayon na rin sa Department Order no. 53-03.

Dagdag ng PDEA Palawan, malaki ang maitutulong nito sa mga may-ari ng negosyo, at makatutulong din na makahikayat pa ng maraming customers dahil magbibigyan ang DOLE at PDEA ng katunayan na drug free workplace ang mga negosyo na sasailalim sa lecture/seminar at drug test ang kanilang mga empleyado.

“Requirements ito ng DOLE, mayroon order na mandatory na maging drug-free workplace sila. Ang mga establisment naman na mayroong less than 10 na empleyado, hindi sila mandatory pero hinihikayat pa rin sila na maging drug free work place sila,” pahayag ng PDEA.

Ilan sa mga negosyong maaring makinabang ay mga hotel, restaurant, coffe shops, salons, at iba pang pribadong istablisimyento kompanya.

Para sa karagdagang impormayon, maaring makipag-ugnayan sa PDEA sa telepono bilang 09171640015.

Previous articleBootids meteor shower, longest day time to be observed this June
Next articleDFA protests return of 100 Chinese vessels to Julian Felipe
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.