Nov 26, 2020

PCSD nagbabala sa mga illegal logger vs pamumutol ng puno sa Rizal

Ayon sa tagapagsalita ng PCSD na si Jovic Fabello, akala ng mga iligalista ay hindi sila nagbabantay kaya sila ay libre sa iligal na gawain ng pamumutol ng kahoy.

Image from PCSD.

 

Nagbabala ang Palawan Council for Sustainable Development (PCSD) sa mga iligal na namumutol ng kahoy sa bayan ng Rizal na bagama’t ang probinsya ay nasa ilalim ng modified general community quarantine (MGCQ) ay hindi sila magpapabaya para sila ay arestuhin.

Ayon sa tagapagsalita ng PCSD na si Jovic Fabello, akala ng mga iligalista ay hindi sila nagbabantay kaya sila ay libre sa iligal na gawain ng pamumutol ng kahoy.

“Akala kasi nila hindi nagbabantay ang mga enforcement team natin dyan sa bayan ng Rizal. Iniisip ng mga loggers ay free lang sila pumutol lalo na nasa gitna tayo ng mga restriction ngayons,” sabi ni Fabello.

Ayon kay Fabello, nakatutok ang kanilang enforcement teams sa bayan ng Rizal, maging sa buong bahagi ng lalawigan, upang mapangalagaan pa rin ang seguridad ng kalikasan laban sa mga illegal loggers.

Aniya, noong nakaraang linggo lang ay may ulat silang natanggap tungkol sa illegal logging sa Rizal kaya nagsagawa ng operasyon ang enforcement unit at ilang pag-aresto ang naisagawa.

“Katunayan may reported tayo last week sa Rizal while nasa quarantine tayo may mga apprehension pa rin ang mga enforcers natin,” sabi niya.

Sabi niya, noong July 9 ay dalawang hindi rehistradong chainsaw ang nasabat ng PCSD enforcement unit na naka-base sa Rizal sa southern Palawan.

Nakuha ang isang chainsaw noong July 9 sa gubat ng Barangay Culasian na iniwanan ng may-ari nito habang tumba na ang isang puno ng Nato (Nato Trees). Walang metal seal ng PCSD ang chainsaw.

Nakumpiska naman mula sa isang Marcelo Francisco noon ding July 9 ang isang chainsaw walang PCSD permit sa Barangay Candawaga.

Naihain na ang kasong paglabag sa Chainsaw Act laban kay Francisco habang inaalam na ng PCSD kung sino ang nagmamay-ari ng chainsaw sa Culasian na iniwan sa mismong pinagputulan ng mga kahoy.

Nasa kustodiya na ng PCSD ang dalawang unit ng chainsaw na gagamitin bilang mga ebidensya.

 

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry