Ang mga batang katutubo sa Napsan na nakatanggap ng mga gamit sa eskwelahan noong October 16. (Larawan mula kay Mel Mabras)

Nagkaloob ng iba’t ibang school and instructional materials ang mga kasapi ng 402nd, 403rd, at 407th squadrons ng Philippine Coast Guard Auxiliary (PCGA) sa mga guro at batang katutubo sa Sitio Labtay, Barangay Napsan sa Puerto Princesa noong araw ng Sabado, October 16.

Kabilang sa mga kagamitang ipinamahagi ng PCGA sa mga volunteer teacher ang mga blackboard, chalk, storybook, bond paper, dictionary at iba pang gamit pang-paaralan, habang 45 katutubong mag-aaral naman ang nabiyayaan ng school supplies katulad ng bag, notebook, ballpen, lapis at iba pa.

Kasabay nito, namigay din ang PCGA ng food packs katulad ng bigas, gatas, kape, asukal, at mga unan at tuwalya.

Ang mga batang katutubo sa Napsan na nakatanggap ng mga gamit sa eskwelahan noong October 16. (Larawan mula kay Mel Mabras)

Ayon kay Aux LCdr. Meliza Rose Mabras, ang aktibidad na ginawa ng grupo ay naglalayong makatulong sa mga guro at mga katutubong mag-aaral sa isang community school sa Sitio Labtay at muling makapagsimula ng kanilang pagtuturo at pagaaral matapos itong masunog noong October 7.

- Advertisement -

“Ginawa namin ito para tulungan ang mga guro na ipagpatuloy ang mission nilang makapagturong magbasa at magsulat sa mga katutubong bata upang hindi masayang ang kanilang mga nasimulang natutunan. May school supplies na rin sila,” pahayg ni Mabras, Lunes, October 18.

“Salamat sa mga tropa at kasama namin sa squadron at sa Soroptimist International for Women na tumulong at layon ding makatulong sa komunidad,” dagdag niya.

Upang mapanatili ang kaligtasan ng mga guro at mga batang katutubong estudyante, namahagi rin ang grupo ng mga facemask at alcohol bilang bahagi ng paglaban sa banta ng COVID-19 sa komunidad.

Previous articleNPC, PALECO draw flak for delayed return of electricity 5 p.m. Sunday
Next articleIsyu sa WPS at usapin sa COVID-19, tututukan ni presidential candidate Leysander Ordenes
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.