Patuloy ang panawagan sa lahat ng mga coconut farmers sa lalawigan na magparehistro sa mga MAO ng kanilang munisipyo

Umabot na sa mahigit 1,000 ang mga magsasaka ng niyog mula sa walong munisipyo sa bahaging sur ng lalawigan ng Palawan ang nakapagpa-rehistro sa National Coconut Farmers Registry System (NCFRS) sa taong 2021, ayon sa Philippine Coconut Authority (PCA).

Kabilang sa mga bagong rehistro ang may 112 coconut farmers mula sa mga barangay ng Panitian at Pinaglabanan sa bayan Quezon.

“Panibagong rehistro tayo this year at tuloy-tuloy itong isinasagawa ng PCA (Philippine Coconut Authority) at ng ating (Municipal Agriculture Office) sa buong lalawigan,” pahayag ni Raul Aguilar, officer-in-charge ng PCA-Palawan noong Miyerkules, Marso 17.

Ayon kay Aguilar, kailangang makapagrehistro ang mga coconut farmers sa ilalim ng programang NCFRS upang makalikha ang PCA ng ibat-ibang programa na naangkop sa kanila, maka-avail ng mga ayuda na kanilang pwedeng magamit para mas mapalago pa ang pagsasaka ng niyog at ma-update ang bilang ng coconut farmers sa Palawan.

“Kailangan ito kasi sa PCA at  Department of Agriculture (DA), napakaraming mga programa ang naibibigay sa kanila. Kailangan magpa-rehisro para rin sa pagpapalakas ng mga kailangan nilang tulong mula sa pamahalaan,” dagdag niya.

Ayon kay Aguilar, patuloy ang kanilang panawagan sa lahat ng mga coconut farmers sa lalawigan na hindi pa nakapagparehistro na pumunta sa mga MAO ng kanilang munisipyo.

“Magdala lamang ng proof na may sinasaka silang niyog, photocopy at original ID at magtungo lamang sa kanilang mga agricultures office sa kanilang bayan o dito sa Provincial Office sa lungsod ng Puerto Princesa,” panawagan ni Aguilar.

About Post Author

Previous articleBarkong nagsasagawa ng iligal na pangingisda, nasabat ng awtoridad sa Cuyo
Next articlePNP reports smooth, peaceful plebiscite
is the news correspondent for Sofronio EspaƱola and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.