Ang paglalagay ng mga abono sa truck para ihatid ito sa Aborlan mula sa PCA warehouse nito sa Puerto Princesa City (Larawan mula sa PCA Palawan)
- Advertisement by Google -

Nagsimula nang mamahagi ang Philippine Coconut Authority (PCA) sa Palawan ng abono bilang suporta sa mga magsasaka sa 12 munisipyo at Lungsod ng Puerto Princesa.

Ang 4,320 bags na naglalaman ng 50 kilograms ng grade salt fertilizer bawat isa at nagkakahalaga ng mahigit P2 million ay dumating sa lungsod noong huling linggo ng buwan ng Nobyembre.

Ayon kay PCA Palawan Acting Division I Chief Arlo Solano, ang mga abono ay ipamamahagi sa mga farmers cooperative at organizations sa mga bayan at sa lungsod base sa 2019 approved masterlist participants ng PCA.

- Advertisement -
Ang pag-unload ng mga abono sa barangay Cabigaan sa Aborlan ng PCA

Kabilang sa mga munisipyong nakatanggap ang Aborlan, Narra, Quezon, Rizal, Sofronio Española, Brooke’s Point, Bataraza, El Nido, Taytay, Araceli, Dumaran, at Roxas.

“2019 pa ito napondohan ng PCA. Nagkaproblema lang sa bidding noon kaya ngayon lang ito dumating sa atin, at this month of December ay ihahatid na po ito natin sa mga recipients natin to 12 municipalities, may allocation din ang Puerto Princesa dito,” pahayag ni Solano.

Dagdag niya, nitong araw ng Huwebes, Disyembre 2, ay inihatid nila ang 300 bags ng fertilizer sa bayan ng Aborlan partikular sa mga registered farming cooperatives sa barangay Cabigaan at Tigman, at pagkatapos ay tutuloy sila sa iba pang munisipyo.

“Sa city naman walang problema, this week din ito idi-distribute. Tuloy-tuloy na ito going to south and north,” dagdag ni Solano.

Batay sa fertilizers allocation ng PCA Palawan, 342 bags ang ipapamahagi sa Puerto Princesa, 300 bags sa Aborlan, 300 sa Narra, 100 sa Taytay, 200 sa El Nido, 100 sa Areceli, 200 sa Dumaran, 400 sa Roxas, 340 sa Brooke’s Point, 300 sa Sofronio Española, 348 sa Bataraza, 564 sa Rizal, at 400 sa Quezon.

Ang pamamahagi ng abono sa mga farmers cooperatives ay sa ilalim ng Coconut Fertilization Project ng National Coconut Productivity Program (NCPP) ng PCA na naglalayong suportahan ang mga magsasaka ng niyog upang mapanatili nito ang magandang produksyon ng niyog sa lalawigan ng Palawan.

“Suporta ito ng PCA sa kanila for coconut production. Para pataasin ang kanilang ani ng niyog at magkaroon ng magandang income ang mga coco farmers natin sa probinsya ng Palawan,” paliwanag ni Solano.

About Post Author

- Advertisement by Google -
Previous articleMeteor showers to light up December night skies
Next articleIBP, LENTE inks agreement to work together in 2022 polls
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.