Hiniling ng Philippine Coconut Authority (PCA)-Palawan sa kanilang regional office ang pag-convert  sa cash ng nakalaang P2,000 food subsidy para sa mga kwalipikadong benepisyaryo sa bayan ng Balabac mula sa programang Cash and Food Subsidy for Marginalized Farmers and Fisherfolk (CFSMFF) ng Department of Agriculture (DA). Ang nasabing programa ay pinondohan mula sa Republic Act 11519 o ang Bayanihan to Recover as One Act (Bayanihan 2)

Sa ilalim ng nasabing programa, ang mga benepisyaryo ay tatanggap ng halagang P2,000 ng goods kabilang ang itlog at karne, maliban pa sa P3,000 cash na kanila namang makukuha mula sa mga partner remittance agencies ng DA

Sa panayam ng Palawan News kay Raul Aguilar, PCA-Palawan Officer in Charge, sinabi niyang hiniling ng mga magsasaka ng niyog sa Balabac na kung maaari ay ibuo nalang o i-monitize ang halagang P2,000 food subsidy na matatangap mula sa DA para sa mga magsasaka ng niyog sa nasabing bayan.

Isa sa nakita niyang dahilan ang mahirap na paghahanap ng supplier ng itlog at karne ng manok dahil sa nararanasang chicken meat shortage sa lalawigan na sumabay pa ang election ban.

“We sent our request to our regional office pero wala pang reply regarding monitization sa subsidy for Balabac. So far yon ang mga reasons namin and may incoming election (plebiscite) tayo sa probinsya para sa March 13 plebiscite,” pahayag ni Aguilar.

“Mas na ahead po sa atin ang ibang munisipyo sa southern portion of our province for releasing subsidy. Naabutan tayo ng Election ban at isa pa dito yong nahirapan tayong maghanap ng supplier for food subsidy, kaya nag request po kami na ibuo nalang sana na 5K cash ang Balabac,”dagdag niya.

Tanging ang bayan nalang ng Balabac ang hindi nahahatiran ng nasabing subsidiya sa bahahing sur ng lalawigan.  Unang linggo ng Pebrero ay naihatid ang cash and food subsidy sa mga bayan ng  Bataraza,Brooke’s Point, Rizal, Sofronio Española, Quezon, Narra at Aborlan.

Samantala, hindi pa rin tiyak ni Aguilar kung kailan nila maihahatid ang nasabjng subsidiya dahil aantayin pa nila ang magiging tugon ng regional office sa kanilang request.

About Post Author

Previous articlePuerto Princesa blacklists mining quarry contractor
Next articleStricter health measures urged in towns as COVID-19 cases rise in Puerto Princesa
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.